^

PSN Opinyon

Tanggapin na kaya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BINAGO na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga patakaran ng Anti- Distracted Driving Act (ADDA). Ngayon, puwede nang maglagay ng gadget tulad ng cell phone at dash cams sa itinakdang “safe zone” sa harap ng drayber. Ito ay apat na pulgada mula sa dashboard ng sasakyan pataas ng salamin. Dito puwede maglagay ng mga cellphone at dash cam. Puwede ring maglagay ng dash cam sa likod ng rearview mirror.

Kapag lumampas na ng apat na pulgada, sa iti­nakdang “line of sight” kaya wala na dapat nakaharang dito. Bawal pa rin ang gumamit ng cell phone, maging text, tawag o Waze/internet habang nagmamaneho, kahit nakahinto. Puwede lang mag-Waze bago bumiyahe. Siguro ang paggamit ng “hands-free” gadget ay puwede pa rin. Ganun pa rin kalaki ang mga multa. Sa Martes na raw ipatutupad ang ADDA.

Hindi ko lang alam kung ang bagong bersyon ng  ADDA ay tatanggapin na ng publiko. Sigurado may mag-iingay pa rin diyan, partikular sa laki ng multa. Ang masasabi ko lang, mabuti naman at nagtakda ng “safe zone”.

Ayon sa isang kilala ko, kailangan lang nila tumi­ngin sa mga eroplanong pandigma ngayon, na may mga “Heads-Up Display” (HUD), kung saan ilang mahahalagang impormasyon ay nasa salamin sa harap mismo ng piloto, para hindi na nga tumungo. Siguro dapat sa mga sasakyan ay ganun na rin. Baka hindi magtagal, ang Waze ay makikita na sa salamin ng mga sasakyan.

Wala pang inilabas na patakaran sa mga sasakyan na napakadilim ng tint. Baka ito ang susunod na pag-aaralan. Marami ngang mga sasakyan na pati ang buong salamin sa harap ay tinted na rin. Puwedeng pangharang para hindi makita ng mga enforcer kung ginagamit ang cell phone habang nagmamaneho, na nakasanayan na nang marami.

Ang dapat matukoy rin ng MMDA at HPG ay ang mga nagka-counterflow. Tila dumadami na naman, dahil hindi na nga mahigpit. Hindi ito dapat pinababayaan ng MMDA traffic enforcers. At mukhang bumabalik na naman ang mahihilig gumamit ng sirena at ilaw, at mga bodyguard na humahawi sa kalsada. Hindi ba bawal na rin dapat iyan, o depende na rin sa administrasyon?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with