^

PSN Opinyon

Basura nagiging kuryente

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAIBA naman ang usapan. Kung sinasabi ng AFP na malapit na matapos ang krisis sa Marawi City, hayaan na natin ang militar na tapusin na nga ito. May napanood kasi ako sa Discovery Channel hinggil sa paggamit ng basura para makalikha ng enerhiya. Ang ginagawa ay pinatutuyo nang husto ang lahat ng basura na puwedeng sunugin, tulad ng papel, cardboard, kahoy at kung anu-ano pa, huwag lang plastic. Kapag natuyo na, ipinapasok na sa incinerator, o malaking pugon. Ang init ay ginagamit para pakuluan ang tubig sa mga malalaking boiler, kung saan ang singaw na ito ang magpapaikot sa malaking generator para makalikha ng kuryente. Sa madaling salita, napakinabangan ang basura.

May ilang bansa na gumagamit na ng ganitong tek­no­­lohiya. Laganap ito sa Europe. Ang Sweden ay nag-aangkat pa nga ng basura para sunugin. Isipin ninyo, namimili sila ng basura para gawing kuryente. May ilang lugar din sa Amerika at Canada ang gumagamit nito. Ang mga kumokontra naman sa ganitong proseso ng paglikha ng kuryente ay sinasabing ang usok na nagmumula sa pagsunog ng mga basura ay masama sa kalikasan. Hindi raw sulit ang nakukuhang benepisyo, sa sama naman sa kalikasan, pati na rin sa kalusugan ng tao. Pati ang abo mula sa pagsunog ng basura ay problema rin. Pero ayon sa napanood ko, may proseso rin na gina­gamit para maging mas ligtas ang usok na nagmumula sa pagsunog ng basura. Mainit pa rin ang debate sa isyu ng pagsusunog ng basura, pero kung matagumpay sa Sweden, bakit hindi pag-aralan ang kanilang teknolohiya at proseso?

Ang malaking balakid sa ganitong proseso ay ang kamahalan ng pagtayo ng “waste-to-energy” na planta. Alam natin na malaking problema ang basura sa bansa. Hindi na kinakayanan ng mga tambakan o “landfill” ang dami ng basura sa Metro Manila. Kadalasan ay sa dagat na lang itinatapon ng mga walang pakialam sa kalikasan. Baka dito tayo pwedeng tulungan ng China o Russia, kung ayaw na nga ng administrasyong ito sa US at Europe. Isipin ang mga lugar na puwedeng makinabang sa kuryente na malilikha mula sa basura. Basura na karaniwan na sa ating buhay. Kung hindi rin mapapatupad ang recycling sa bansa dahil mahal din, baka naman may ibang puwedeng pakinabangan ang basura, at hindi lang itinatapon kahit saan, lalo na sa dagat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with