^

PSN Opinyon

Saan galing ang suporta?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG malapit na matapos ang krisis sa Marawi City – ayon sa AFP – kailangang pag-aralan kung bakit naganap ang krisis. Bakit ang Maute Group, na ang tingin ng marami ay armadong angkan lang sa Mindanao, ay nakuhang lusubin ang Marawi at, sabihin na natin, nakapalag sa AFP? Marami nga ang nagtatanong kung ano ang nangyari sa intel fund ng gobyerno, na umaabot sa bilyones sa ilalim ng administrayong Duterte? Hindi ba nabantayan ang mga kilos ng Maute? Sigurado pinagplanuhan ng Maute ang ginawa sa Marawi, kung saan higit isangdaang armadong terorista ang lumusob. Ayon sa mga residente ng Marawi, nagulat na sila at nakapasok ng siyudad ang mga terorista.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, ang pag-atake ng Maute sa Marawi ay tila pakitang-gilas ng grupo, para makilala nang husto ng ISIS. Parang gusto ipakita sa ISIS na kayang tapatan ang mga sundalo ng bansa, at magtatag ng kuta ng ISIS sa bansa. Ang unang­ ginawa ng mga manlalaban ng Maute ay itaas ang mga itim na bandila ng ISIS. Marami rin ang nagulat sa paglaban ng Maute sa mga militar. Marunong daw lumaban, at hindi lang basta-basta umatake. Patunay na nakatanggap sila ng maayos na pagsasanay. Pero saan galing? Sino ang nagsanay sa kanila? Pati mga armas ng Maute ay hindi rin basta-basta. Nahirapan ang mga sundalo sa “clearing operations” dahil sa tindi ng “sniper fire” mula sa mga terorista.

Kailangang matukoy kung saan nanggagaling ang suporta, maging pera o armas, pati na rin ang pagsasanay sa mga terorista. Hindi maaaring makapasok nang lubusan ang ISIS sa bansa, partikular sa Mindanao, lalo na’t humihina na sila sa gitnang silangan. Baka sa rehiyon na sila naghahanap ng bagong kampo, dahil  alam na may kapareho ng ideolohiya. Kailangang bantayan ang mga kilalang teroristang grupo sa rehiyon, partikular sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia. Ilang insidente ng tero­rismo ang naganap na rin sa Malaysia at Indonesia, halos kasabay pa ng pag-atake sa Marawi. Patunay na nagiging aktibo na nga ang ISIS sa rehiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with