^

PSN Opinyon

Ease of doing Business

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA panahong ito na  hinihikayat ng pamahalaan ang pagpasok ng mga lokal at dayuhang pamumuhunan sa bansa, magandang hakbang ang pagkakapasa sa Kamara sa “ease of doing business bill”.

Tingin ko, di magtatagal ay magiging batas na ito dahil­ kahit ang Malacañang ay pinuri ang mabilis na pagkakapasa ng panukalang batas na ito. Kapag naging batas, mawawala na (harinawa) ang mga masalimuot ng red-tape na karaniwang dapat pagdaanan ng mga negosyante sa pagkuha ng permiso sa investment sa bansa. Ito ay naglalayong magtatag ng pambansang patakaran hinggil sa pagpapadali sa pagnenegosyo sa Pilipinas at lilikha ng isang “ease of doing business commission” na inakda ni Iloilo 4th district Rep. Ferjenel Biron.

Inihayag ni Biron, chairman ng house committee on trade and industry na nagpasa sa hakbanging ito na ito ay lilikha ng masigla at maayos na  kapaligiran sa negosyo na makakaakit sa mga namumuhunan.

Aniya, layunin din nito na gawing simple ang sistema ng pagkuha ng mga permiso at lisensya at higit sa lahat, magkaroon ng transparency sa pamahalaan. Naniniwala ang Iloilo Solon na wawakasan nito ang red tape at katiwalian na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng mga lokal at pambansang pamahalaan.

Ayon sa tagapangulo ng house committee on trade and industry, magtatakda din ito ng isang mekanismo upang pabilisin ang pag-aproba ng mga permiso sa negosyo at lisensya at isasaayos ang regulasyon ng pambansa at lokal na tanggapang pampamahalaan.

Aniya napapaloob din sa hakbangin ang paglalagay  ng isang “business one stop shop” na isang common site o lokasyon na dito’y tatanggap ang pamahalaan ng bayarin at mag-iisyu ng mga clearances at lisensya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with