^

PSN Opinyon

‘The a.k.a doomsday preppers!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SAMU`T SARI na ang naglalabasang pananaw ng mga Pilipino hinggil sa martial law. Pinakamaingay siyempre sino pa ba kundi ang numero unong kritiko ng administrasyon, ang mga dilawan. Sila `yung mga unang nanga­ngamba, nag-iisip ng mga bagay na hindi pa nangyayari, exaggerating situations with uncomfortability and uncertainty that leads to fear.

Hindi ko naman masisi ang mga pulitiko ng dilawan because the usual, ginagampanan lang nila ang kanilang papel bilang nasa oposisyon. Bigyan natin ng highlights ang ilan at unahin ang aking paborito dahil sa kanyang pagka-bobo este bibo na si Senator Sonny Trillanes III. Sabi niya, trigger happy at kating-kati raw si President Duterte sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao at ngayon sa buong bansa.

Look who’s talking! Sa’yo pa talaga nanggaling, Tril­lanes? Eh di ba noong 2003 ang tapang n’yong mag-alsa ng Magdalo sa Oakwood? Nakalimutan mo `yatang, you were like that before (or worse) nung kayo`y nag-mutiny at nag-took power dahil utak biya na kayo noon pa. Gina­lingan mo na naman masyado ang pagtalak ngayon kaya bilib ako sa`yo eh! The situation nowadays is different as there is a need for the martial law because of the lawlessness of terrorism. Singlinaw naman ng sikat ng araw ang sitwasyon kailangan pa bang ipaliwanag?

Ang sumunod na sinusubukang magpalakas sa publiko ay ang butihing Vice President ng Pilipinas, si Leni Robredo. Aniya, let us trust the AFP. Hmmm, okay, eh bakit di mo kaya sabihin na “you are supporting the President, and his declaration of martial law in Mindanao”. Sino ba ang commander-in-chief ng AFP, hindi ba  `yung presidente mo na ayaw mo naman kasing kilalanin.

Marami pang mga negatibong kiyaw-kiyaw diyan, di ko na mapapangalanan `yung iba dahil kulang ang espasyo ng kolum ko para ipakilala silang lahat. Nakakatawa dahil karamihan sa mga praning na `to, nandito sa Luzon, malayo sa Mindanao. Eto `yung kanilang mga preparasyon, kinuha na lahat ng pera sa banko dahil `yung kanilang mga milyones ay kailangan nang ilagay sa kaha de yero. Meron pa, kanda-kumahog na pag-aayos ng kanilang passport at dokumento para anumang mangyari ay handa nang umeskiyerda ng bansa. Eto pa, may iba nag-stock na nang maraming pagkain dahil baka magsaraduhan ang mga tindahan at pamilihan. Easy!

Sila `yung mga tinatawag na “the doomsday preppers” of martial law. Mga praning na gumagawa ng sarili nilang bangungot na kung tutuusin, malayo pa sa sitwasyong ganoon. Ang kanilang motto, “Expect for the worse and hope for the best” na sa aking pananaw ay applicable lang ito kung ikaw ay nasa drug operation o kaya`y nasa giyera. Subalit kung ikaw ay nasa mapayapang lipunan at may gobyerno naman na aktibong lumalaban sa lawlessness at terorismo proteksiyunan ang bansa, bakit kayo natatakot? Eto lang naman yan, you are what you think, kung tatamnan mo ng mga bagay na nakakatakot ang kukote mo, you will react to it because you think its real.

Hoy mga praning, ke layu-layo n’yo sa Mindanao so stop believing and instilling F-E-A-R; False, Evidence, Appearing, Real!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with