^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patayin ang pangamba sa martial law

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Patayin ang pangamba sa martial law

MAY mga sumasang-ayon at kumukontra sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao. Bakit daw sa buong Mindanao e ang mga teroristang Maute ay nasa Marawi City lamang. Maski si dating Pres. Fidel Ramos ay hindi pabor sa martial law sa buong Min­danao. Sabi naman ng sumasang-ayon sa martial law, nararapat lamang ito para ganap na maipatupad ang seguridad laban sa mga naghahasik ng kaguluhan. Kung sa Marawi lamang ipatutupad ang martial law, maaaring magpalipat-lipat lang ang mga terorista at walang katapusan ang kanilang panggugulo.

Sa kasalukuyan, patuloy ang opensiba ng AFP at PNP sa pinaglulunggaan ng Maute. Sabi ng AFP, balak nilang tapusin ang pakikipaglaban sa Maute sa susunod na tatlong araw. Nasa anim na araw na ang bakbakan sa Marawi at ayon pa sa AFP nasa 41 Maute terrorists na ang kanilang napapatay. Kung tatapusin sa sunod na tatlong araw, ibig kayang sabihin, tapos na rin ang imposition ng martial law sa Mindanao.

Sabi ni Pres. Rodrigo Duterte nang dumating mula sa Russia, maaaring abutin ng 60-araw ang imposition ng martial law pero maaari pa raw itong humaba depende sa nangyayaring krisis. Sa Russia pa nilagdaan ni Duterte ang deklarasyon ng martial law sa ilalim ng Proclamation 216.

Humaba man o tumagal ang martial law sa Mindanao dahil sa paglupig sa mga terorista ay maaaring matanggap ng mamamayan. Ang nararapat lamang bantayan ay ang maaaring pag-abuso ng mga sundalo habang pinatutupad ang martial law. Kapag umabuso ang mga sundalo at pinairal nila ang batas ng baril, dito magkakaroon ng kaguluhan. Sino ang hindi mababalisa kung ang mga sundalo ay gagawa nang pagmamalabis na walang pinagkaiba sa martial law ni Marcos noong 1972 na maraming dinukot. Nararapat patayin ni Duterte ang pangamba ng taumbayan sa pagdedeklara niya ng martial law.

Mabuti ang martial law para mapanatili ang katiwasayan sa bansa pero kapag ginamit ito sa pansariling kapakanan, dito na magsisimula ang pagkaligalig ng mamamayan. Ang pangamba ay nasa kanilang isip na anumang sandali ay maaaring arestuhin at ikulong.

Nangako naman si Duterte na hindi aabuso ang military. Tanging sa mga terorista lamang magiging “harsh” ang kanyang martial law. Sana nga, kakaiba ang martial law niya kaysa kay Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with