Rosas sa puntod ni Mahal
Maraming bulaklak ang nakikita ko
Sa dinaraanang landas ng pagsuyo
Sa mga bulaklak ang nais ng puso
Sila ay pitasin at hagkan ng buo
Ang mga bulaklak ng aking lapitan
Mga rosas silang kapita-pitagan
Kay gaganda nila’t kay pula ng kulay
Kaya naging lubos ang aking paggalang
Bulaklak at sanga ay aking tinihog
Dadalhin sa libing ng tangi kong irog
Kahit nalagas na ang mga talulot
Kay ganda ng rosas sa ulilang puntod
Sa puntod ng aking mahal na bulaklak
Ay bumukad na rin mga bukong rosas
Ang mga talulot na lantang nalaglag
Ay mga luha kong nag-iwan ng bakas
- Latest