^

PSN Opinyon

Naiibang sitwasyon (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KAILANGAN ng isang mataas na sukatan upang patunayan kung sino ang ama ng isang bata. Tinatalakay ito sa kaso ni Lorraine.        

Nag-overseas worker sa Italy si Lorraine noong siya ay 24 anyos at nagkaroon siya ng kasintahan at nagkaanak siya rito. Matapos ang kanyang kontrata bumalik siya sa Pilipinas. Bagama’t single mother at walang trabaho, napanatili pa rin niya ang kanyang kagandahan. Ito ang dahilan kung bakit naakit sa kanya si Mang Cesar.

Habang walang trabaho, madalas siyang nasa bahay ni Fay, isang sales agent, at dito niya nakilala ang 56-anyos na si Mang Cesar, isang businessman. Siya ay may-ari ng isang rice mill at nasa construction business. Di nagtagal, nahulog ang kalooban ni Mang Cesar kay Lorraine at ganoon din naman si Lorraine sa kanya. Sinabi ni Mang Cesar na balo na siya at wala na siyang kasama dahil ang kanyang mga anak ay may kanya-kanya nang pamilya. Nguni’t ang katotohanan ay nakatira ang kanyang anak at asawa sa isang lugar sa norte. 

Napadalas ang pagkikita nila Lorraine at Mang Cesar. Lalo silang naging malapit at ipinagtapat ni Lorraine ang kanyang nakaraan at inamin na siya ay isang single mother. Hindi ito naging balakid kay Mang Cesar kaya nagkaroon sila ng relasyon. Ipinangako ni Mang Cesar na aalagaan siya at kanyang pakakasalan. Sa katunayan, nagbibigay pa siya ng pera kay Lorraine pangtustos sa kanyang anak sa ibang lalaki.

Makalipas ay nabuntis si Lorraine na ikinagulat ni Mang Cesar dahil ang alam niya ay di na siya pwedeng magkaanak dahil “impotent” siya. Sinabi na niya ang totoo kay Lorraine na buhay pa ang kanyang asawa, nguni’t ipinangako niya na hindi ito pababayaan. Katunayan sa ika-apat na buwan ng pagbubuntis ni Lorraine, kumuha siya ng isang apartment para sa kanya at katulong para makasama nito, at siya rin ang nagbibigay ng panggastos.

Nang manganak si Lorraine, naospital din si Mang    Cesar kaya nakakadalaw siya kay Lorraine. Matapos isilang ang bata, si Lorraine ang nagsulat sa birth certificate nito habang lahat ng detalye ay ibinigay sa kanya ni Mang Cesar. Inuwi din ni Mang Cesar si Lorraine at ang bata sa apartment at kinunan pa sila ng litrato kasama ang mga bisita at may-ari ng apartment. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with