^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Ninja’ cops itapon sa Marawi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Ninja� cops itapon  sa Marawi

KAILANGAN ang puwersa sa Marawi City para lubusang madurog ang mga teroristang Maute. Sa ganitong sitwasyon, dapat itapon na roon ang mga ‘‘scalawag’’ na pulis para makatulong naman sila kahit paano sa paglipol sa mga terorista. Kung tadhana nila na doon mamatay, walang magagawa. Sabi nga ni Pres. Rodrigo Duterte noong Marso nang iharap sa kanya ang mga ‘‘scalawag’’ na pulis sa Malacanang, kapag namatay ang mga ito sa Basilan habang isinasagupa sa Abu Syyaf, doon na ililibing ang mga ito.

Ngayong may mga pulis na namang sangkot sa pagkidnap at pag-extort, magandang pagkakataon na itapon na sila sa Marawi City para maisabak sa Maute. Binanggit na ito ni Duterte noong dumating siya galing sa Russia. Napa-putang-ina pa siya nang malaman ang ginawa ng mga pulis-Malabon na binansagang ‘‘Ninja cops’’. Ang mga pulis ay sangkot sa pagkidnap at pang-e-extort sa girlfriend ng isang inmate sa New Bilibid Prisons. Kinidnap ng mga pulis Malabon ang babae noong Mayo 20 sa Quezon City at hiningian ng ransom na P5 million ang pamilya. Bago iyon, sapilitang kinuha na ng mga pulis ang Starex van ng babae, alahas, iPhone, laptop at  P6,000 cash.

Pero nagsumbong ang biktima sa mga pulis at naaresto ang limang pulis Malabon. Pito pa ang pinaghahanap. Sinibak naman ang natitira pang 23 pulis sa Malabon anti-drug unit.

Dalawang beses napa-“putang-ina” si Duterte dahil sa ginawa ng mga pulis Malabon. Sa galit, nag-offer siya ng P2 milyon bawat isa sa makakahuli patay o buhay sa pito pang pulis na nakakalaya pa. Gusto niyang mahuli na sa lalong madaling panahon ang pito. Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha ni Duterte ang galit sa pito pang “Ninja” cops.

Nakakahiya na ang ginagawa ng mga pulis. At isang magandang paraan para malasap nila ang parusa sa ginagawa nilang kabuktutan ay itapon sila sa lugar na pinamumugaran ng mga terorista. Sila ang ilagay sa unahan ng tropa na sasalakay sa mga terorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with