^

PSN Opinyon

‘Pulang Lupa’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKBUHAN, NAGSISILIKAS, kanya-kanyang dampot ng mga gamit, ang iba ay suot lamang nila ang nadala dahil wala nang oras para lumingon pa. Baka tamaan ng ligaw na bala.

Ganito ang sitwasyon sa Marawi na ang pwersa ng ating gob­yerno ay sinusubukang bawiin at panagutin ang mga miyembro ng Maute Group.

Habang nasa Moscow, Russia si Presidente Rodrigo Duterte, nagbigay ng ulat ang AFP na pangit na ang sitwasyon sa Marawi.

Bakit kailangan magdeklara ng Batas Militar sa buong Min­danao? Kamay na bakal ang sagot ni Presidente Duterte. Gusto nila ng giyera bibigyan ko kayo ng giyera. Hindi nagdalawang isip ay nagdeklara ng Batas Militar at dun pinirmahan sa Moscow at pinaanunsiyo niya sa kanyang mga tauhan dito sa Maynila at agad pinutol niya ang kanyang pagbisita sa Russia.

Sa pinirmahan niyang ito at kapag natapos na ang binigay na araw sa pagpapatupad ng Batas Militar ay haharap mismo ang Presidente sa Kongreso upang ipaliwanag ang naging hakbang niya.

Handa naman daw siyang idepensa ang kanyang desisyon.

Sa walang tigil na labanan agad inilikas ang mga residente sa karatig lugar at nang makaalis na ang ilan ay muling nagsimula na naman ang sagupaan sa pagitan ng Maute Group at ng pwersa ng gobyerno.

Mga usok ang nakikita ng mga tao at kabilaang putukan ang kanilang naririnig. May ibang dinudukot para gawing panangga habang ang ilan ay hindi makaalis dahil naipit sa labanan.

Napakawalan ang 120 sibilyan na ginawang panangga ng militanteng grupo.  Ang mga guro naman na na-trap sa isang eskwelahan ay na-rescue na din ng ating kapulisan at mga sundalo.

Sa ginawang pagsasalba ay limang sundalo ang namatay at 31 ang sugatan.

Napalaya din ang 107 na inmates na kinuha ng grupo nang atakihin nila ang dalawang kulungan sa Marawi.

Itinuturing na pinakamadilim sa kasaysayan ng bansa ang Batas Militar nung panahon ni Presidente Ferdinand Marcos ngunit ngayon ay muling mararanasan ang Batas Militar dahil sa walang tigil na panggugulo ng mga kaaway ng gobyerno.

Idiniin ni Presidente Duterte na magiging malupit siya ngunit walang pag-abuso na mangyayari.

Sinabi din ng Presidente sa kanyang panayam na kung sino man ang nakikipaglaban sa kanila ay mamamatay.

Mahigpit na ipinag-utos ng Presidente na magkaroon ng naval blockage nang sa ganun ay hindi makatawid ang militanteng grupo para mapalaki ang kanilang nasasakupan.

Sinusubukan na ng mga ito na pasukin ang Visayas kaya matindi  ang pagpoprotekta ng ating kapulisan at sundalo para hindi na nila mapalawig pa ang lugar na kanilang hinahawakan.

Kapag sinabi ng AFP na nanganganib na ang ating bansa laban sa mga kaaway ng gobyerno ay posibleng magdeklara ang Presidente ng Batas Militar sa buong bansa.

Ang AFP ang nagsasabi kung ano ang lagay ng ating depensa laban sa mga kaaway.

Sa lahat ng mga sibilyan na may lisensiyadong baril pinapayagan sila ng Presidente na gamitin ito upang maprotektahan ang kanilang mga sarili. Maaari din nila itong bitbitin pero siguraduhin nilang dala din nila ang lisensiya nila.

Isa sa ipinangangamba ng taong bayan sa pagdedeklara ng Batas Militar ay baka matapakan at mawalan sila ng karapatang pantao dahil maaaring abusuhin ito ng militar.

Siniguro ng Presidente na walang pang-aabuso ang mangyayari at kung sinuman sa hanay ng mga pulis at sundalo ang umabuso ay ihaharap niya sa paglilitis para mapatawan ng karampatang parusa.

Marami na ang namatay sa labanang ito at marami na din ang sugatan. Mas pinaiigting ngayon ng mga pulis at sundalo hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa ang kanilang pagbabantay laban sa mga terorista.

Kinakailangan nilang maging alerto. Humingi din naman sila ng tulong sa mga sibilyan na kung alam nila ang kinaroroonan ng grupo ay agad ipagbigay alam sa otoridad.

Sa pagdedeklara ng Batas Militar ay sinususpinde pansamantala ang ‘Writ of Habeas Corpus’, meron na ding curfew, warrantless arrest at pinapahintulutan ang otoridad na mag-inspeksyon.

Paalala ng Presidente sundin lang ang curfew dahil kung magmamatigas ang mga residente ay maaari nila itong ikamatay.

Walang pinipiling tao ang mga teroristang ito. Damay pati ang mga sibilyan sa labanang ito kaya dapat ay magdobleng ingat ang mga residente sa Marawi.

Nakumpirma din na sinunog ng grupo ang isang simbahan at ang Dansalan College sa Marawi City.

Nagpakalat na din ng mga sundalo at pulis sa karatig lugar para mabantayan ang sitwasyon at hindi na dumami pa ang madadamay sa sagupaang ito.

Marami nang humihingi ng dasal para sa Marawi. Sa mga social networking sites ay marami na ang nagpo-post na ipagdasal ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Hindi natin alam kung saan ang susunod nilang target. Maging sa ibang bansa ay umaatake din sila kaya mas maging maingat dapat tayo.

Kung ano ang kasalukuyang ipinatutupad ay sundin na ito dahil para din ito sa kapakanan ng bawat mamamayan at ng bansa.

Hindi maaalis ang Batas Militar kung hindi sasabihin ng AFP na ang bansa ay ligtas na sa anumang banta ng terorismo.

Ipagdasal na lang natin na matigil na agad ang labanang ito nang wala nang marami pang buhay ang mawala at hindi na dumami pa ang bilang ng mga sibilyang nadadamay.

Sa ngayon ay hawak na ng militar ang listahan ng mga pangalan na nasa poder ng kalaban.

Mula noon pa hanggang ngayon ang Mindanao ay pilit na humihiwalay sa bansang Pilipinas. Hindi naman maaari ito dahil malaking bahagi ng ating bansa ay mawawala.

Sinabi na ni Presidente Duterte na kapag walang kapayapaan walang kaunlaran. Ito na at hidi siya magdadalawang isip kung ang mga terorista o mga bandido ay pupunta sa Luzon handa niyang palawigin ang Batas Militar.

‘Aming ligaya nang pag may mang-aapi ang mamatay nang dahil sa ‘yo.’ Yan ang mga huling kataga ng ating lupang hinirang.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong makausap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with