^

PSN Opinyon

‘Kilalanin ang miyembro ng S.A.S Group’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IPINAKIKILALA ko sa sambayanang Pilipino ang isang grupo na walang ginawa kundi sumakay, umangkas at sumawsaw (SAS) sa isang isyu na puro negatibo naman ang lumalabas sa mga bunganga. Opisyal nang idineklara kasi ng Presidente na ilagay sa ilalim ng martial law ang buong Mindanao dahil sa paglusob ng Maute Group na hinihinalang kasapakat ng mga teroristang ISIS sa Marawi City.

Uunahin ko na ang ka-chokaran nitong si Senator Sonny Trillanes III na si Magdalo Party List Gary Alejano. Sabi niya “Let us be vigilant that such declaration would not be abused in the process like what happened in 1970`s”. Sinupalpal siya ng Presidente at sinabing iba ang sitwasyon ng martial law noong 1970`s kumpara ngayong 2017 kung saan may gawaing terorismong sangkot. Hoy putok sa buho kang Alejano na simula pa lang sa umpisa ay wala kang ginawa kundi dumakdak katulad ni Trillanes, ipinanganak ka na ba noong 1970 para makasigurado ka sa iyong pinagsasabi?

Baka hindi ka aral na ang martial law noong 1970 ay buong Pilipinas at eto ay sa Mindanao lamang. Maliban na lang kung sasabihin mong nagpapatawa ka lang? Hindi na ako magtataka kung bakit noong nakaraang committee meeting ay harap-harapan kang hinambalos ng kauri mo at pinagtatawanan ka na ng iyong mga kapartido.

Ang ikalawang miyembro ang non-governmental organization (NGO) na  KARAPATAN Alliance for the Advancement of People`s Right. Isa rin `to,  basta`t makasatsat lang kahit wala nang katorya-torya ang pinagsasabi. Ayon sa kanila, “It is unacceptable that Duterte trifles with concepts and rhetoric that will result to open fascist rule”. Dapat naman talaga hindi ba dahil terorista na ang kalaban mo sa Mindanao at hindi mga ordinaryong tao lamang?

Walang kasusta-sustansiya ang mga pinagsasabi nitong mga `to talaga. Ginagawang bobo si Juan Dela Cruz na nasa era na ng millennial ngayon. Oh eto yung ikatlong miyembero, ang Gabriela. Ayon naman sa kilalang tagapagtanggol ng kababaihan, hindi pa daw nila nakikita ang kahalagahan ng pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao gayong ang pananakop ng mga terorista ay sa Marawi City lamang,

Are you trying to be funny, malabo ang inyong mga mata o sadyang katangahan na lang ang umiiral sa inyo kung kaya`t hindi niyo maintindihan ang tunay na kahalagahan? Eto ang napapala ng mga matatakaw sa publisidad kaya ang hilig gawin ay makisawsaw, umangkas at sumakay na lamang sa isyu. Wala kayong pinagkaiba sa mga terorista. Ang hilig niyo ay magbigay ng kalituhan, walang katiyakan at dagdag na pangamba sa mga tao.  Marami na kayong pinagsasabi na walang kuwenta bagkus puro uncertainty at dagdag na takot sa mamamayan, mga ugok kayo.

This is the effect of having too many party lists and too little intelligence requirements in said party lists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with