^

PSN Opinyon

Terror threat hindi na biro

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HABANG sinusulat ko ang kolum na ito, wala pang pormal na deklarasyon si Presidente Duterte hinggil sa pagpapasakop sa buong Mindanao sa ilalim ng Martial Law dahil sa pananalakay ng teroristang grupong Maute sa Marawi. Isa lamang berbal na deklarasyon ng Pangulo ang ini-ere sa telebisyon kamakalawa ng gabi mula sa kinaroroonan niya sa Rusya.

Nasa Rusya ang Pangulo nang sumiklab ang kagulu-  han kaya tuloy pinutol nang wala sa oras ang kanyang biyahe. Sabi lang niya sa isang pahayag, walang pinag-iba ang ideneklara niyang batas militar sa ginawa ni dating Presidente Marcos. Kung ang dahilan ng Marcos martial law ay upang sugpuin ang banta ng komunismo, ang dahilan ng kay Duterte ay para sugpuin ang banta ng terorismo.

Nangyari ang kaguluhan sa Mindanao kasunod lamang ng terror attack sa concert ng singer na si Ariana Grande sa Manchester stadium sa London. Nakatakda ring magperform si Ariana sa Maynila sa darating na Agosto kaya asahang ngayon pa lang ay ilalatag na ng mga awtoridad ang mga kinakailangang  security measures. Hindi na talaga biro ang terorismo. Parang araw-araw ay patindi nang patindi ang operasyon nito sa lahat ng panig ng mundo. Ang problema, walang ideyolohiyang ipinaglalaban ang mga terorista at ang kanilang mga kilos ay hindi mahulaan o matantya. Mga panatiko na kahit sarili ay handang gawing bomba para matamo ang kanilang layunin.

Anang Pangulo, kung kinakailangang abutin ng isantaon ang martial law ay gagawin niya ito. At sa tingin ko, hindi lang lokal na terorista ang kalaban ng bansa ngayon kundi isang puwersa na nanliligalig sa buong mundo.

Vigilance o pagiging alerto ng bawat mamamayan ang kailangan. Dapat maging mapagmasid, at higit sa lahat, mapanalanginin tayo. Sa ganitong uri ng panganib, ta-nging Diyos lang ang puwedeng tumulong sa atin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with