^

PSN Opinyon

‘Pati Rosaryo Bawal!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

BINUBUO ng ilang milyong Katoliko ang Pilipinas at naniniwala sa Panginoong Hesukristo. Nakikita natin ito sa parada ng itim na Nazareno.

Marami ding nagdadasal sa ina ni Hesus na Mahal na Birhen at hindi mo mabilang ang mga nagdadasal sa rosaryo.

Naniniwala ang mga motorista na ang paglalagay ng rosary ay maaaring magligtas sa kanila sa aksidente o panganib pero hindi ganito ang paniniwala ng Land Transportation Office (LTO).

Pati ang pagsasabit ng rosaryo ay ipinagbabawal na kasama ng ilang mga abubot o palamuti sa mga sasakyan dahil ayon sa kanila ay nakakasagabal o nakaka-distract daw ito sa nagmamaneho.

Maraming naguluhan kung ano nga ba ang pwede at hindi pwedeng ilagay na abubot ng mga motorista sa pagpapatupad ng Anti Distracted Driving Act.

Hindi pinapayagan ang rosaryo, lucky charms, stuffed toy at kung anu-ano pang bagay sa harapan ng nagmamaneho dahil nakakasagabal umano ang mga ito.

Bakit pati ang rosary ipagbabawal? Paano ba ito nakakaagaw ng pansin? Dahil sa gumagalaw ito? Maliit na bagay lang ito at kahit na gumalaw-galaw pa ito sa sasakyan ay hindi naman nito matatakpan ang kalsadang tinitingnan mo.

Sumusobra naman yata ang pagbabawal na maglagay ka ng rosaryo. Ano ba ’to nagtatawag lang ba ng pansin?

Ayon sa tagapagsalita ng LTFRB na si Atty. Aileen Lizada ay hindi na nakapaloob sa Anti Distracted Driving Act ang tungkol sa mga palamuti o abubot sa sasakyan kundi nasa Joint Administrative Order No. 2014-01 na inilabas ng LTFRB at ng LTO noon.

Ang rosaryo ay hindi burloloy o palamuti lang sa sasakyan, ginagamit nila ito bilang proteksyon.

Yung paggamit ng cellphone at pagbabasa o pa­nonood matatanggap mo pang ipagbawal ito dahil nagiging sanhi din ito ng disgrasya pero yung mga bagay na nananahimik at nakapatong lang naman o nakasabit ay hindi naman sila ang nagiging dahilan ng aksidente.

Pati ang personal na kagamitan ng may-ari ng sasakyan o yung mga gusto nilang ilagay sa sasakyan ay napapakialaman na. Tinitingnan mo ba habang nagmamaneho ka ang mga palamuti mo sa sasakyan?

Bawal din ang pagkain o pag-inom ng kape. Yung iba nating mga kababayan na driver hindi nakakakain sa oras dahil may pasahero pa. Dumidiskarte na lang ng kain ng biskwit at tubig para hindi malipasan ng gutom.

Mas mabuti siguro kung pag-aralan din nilang mabuti ang bagong batas na ito para hindi malito ang mga tao. Salain nila ang mga bagay na talagang nakakaagaw ng atensyon o pansin ng mga motorista  at sa mga bagay na hindi naman nakakaabala.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong makausap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with