^

PSN Opinyon

Wala lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MINAMALIIT ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano ang binanggit ni Pres. Rodrigo Duterte na nagbanta ng digmaan ang China, partikular si Pres. Xi Jinping, kung ipipilit ng bansa ang pag-aangkin sa mga isla sa South China Sea, at kung itutuloy ang paghanap ng langis sa nasabing karagatan. Sa totoo nga, walang miyembro ng Gabinete ni Duterte ang nababahala sa bantang ito. Tila walang kailangang ikabahala ang banta ng digmaan mula sa pinakamalaking bansa sa mundo. Hindi naman daw ganyan ang naging usapan ng dalawang pinuno. Kung hindi pala ganun, ano pala ang sinasabi ni Duterte na direktang nagbanta si Jinping sa kanya? Hyperbole na naman ba? 

Hindi rin itinanggi ng China ang nasabing banta, kundi puro mga de-kahon na pahayag ang inilabas nang pumutok ang balita. Magkaibigan naman daw ang dalawang bansa at nagkasundo na idaan ang mga isyu sa mapayapa at maayos na usapan. Narinig na natin iyan, hindi ba? Pero hindi naman iaatras ng bansa ang pag-aangkin sa mga isla na sakop na natin. At kung matuloy na ang paghahanap ng langis sa karagatan, ano kaya ang magiging pahayag at kilos ng China?

Lumalabas na napakakawawa na talaga ng Pilipinas pagdating sa isyu na ito. Ito na ang Presidente na nagsabing nagbanta ng digmaan ang China, pero wala lang. Sa tingin ko kung ibang bansa iyan, pumalag na ang gobyerno nang husto. Pero dahil China, tahimik na lang, tanggapin na lang. Wala man lang kahit maliit na protesta sa China sa bantang iyan, kaya wala ring mangyayari sa payo ng iba na ireklamo sa UN ang pagbantang ito.

Nasa Russia ngayon si Duterte, para ilapit din ang bansa sa kanila. Ayaw na daw niya sa mga bansang kanluran, at gusto na ang China at Russia. Magbebenta raw ang Russia ng mga armas sa bansa nang walang kundisyon, di tulad ng US. Kailangan daw kasi ng bansa ang armas. Pero sino nga ang kaisa-isang bansa na nagbanta ng digmaan sa atin magmula nang World War 2? At sino ang kaalyado nito, kundi ang Russia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with