^

PSN Opinyon

Anti-distracted driving nakalilito!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO ba naman itong Anti-Distracted Driving Act (ADDA)? Sa pagkaalam ng lahat, ang ibinabawal lang ay paggamit ng kung anu-anong gadget ng isang driver habang nagmamaneho. Cellphone, pati na ang mga navigating device.

Pero bakit nang ipatupad ang batas, isinama pati yung mga nakasabit na rosary, munting estatwa ng mga santo, air freshener at iba pa na nasa dashboard ng sasakyan? Baka naman ito’y inisyatiba lang ng mga traffic enfor­cers na nagpapatupad ng batas. Sabi nga ni Sen. Dick Gordon, hindi naman nakasasagabal sa pagmamaneho ang nakasabit na rosaryo. Tama siya.

Kaya tuloy hinihiling ngayon ng mga mambabatas na suspendihin muna ang batas hangga’t walang kaliwanagan kung ano ba talaga ang ibinabawal nito. Ngunit bakit kailangan pang klaruhin at suspendihin muna ang batas kung malinaw naman ang isinasaad nito. Parang sa tingin ko, bigla na lang naragdagan ang mga bagay na ipinagbabawal ng batas.

Nagbigay na nga ng paglilinaw ng Land Transpor­tation Office (LTO). Ani LTO Chief Edgar Galvante, hindi bawal ang paglalagay ng rosaryo sa rear mirror ng mga sasakyan porke wala namang sinasabing ganyan ang batas.

Para sa akin, ayokong suspendihin pa ang implemen­tasyon ng batas dahil mabuti ito. Huwag lang magi­ging daan ng pang-aabuso ng ilang enforcers at ito’y ipa­tupad nang tama.

Sinabi ni Galvante na tuloy ang pagpapatupad nila sa Anti-Distracted Driving Act (ADDA) kahit patong patong na ang mga kalituhan ng publiko sa ilang probisyon ng  Implementing Rules and Regulations ng naturang batas.

Aniya, para maayos ang mga kalituhan sa batas,  nagsagawa sila ng retraining at seminars sa kanilang mga tauhan tungkol sa naturang batas gayundin sa ilang pribadong indibidwal para maunawaan ito ng husto.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with