^

PSN Opinyon

‘Sec. Dominguez, magkaiba ang pamantayan sa kondisyon…

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI sariling desisyon ni Pres. Rodrigo Duterte na tang­­gihan ang 250-million-euro development assistance­ ng European Union sa Pilipinas.

Ibinuking mismo ng Presidente na ang ideyang ito ay nanggaling kay Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez.

Ang tanong napag-aralan ba muna ito ng buong advisers ng pangulo o ang payo ni Sec. Dominguez lang ang nanaig sa iyung ito? Mukhang ‘yung huli ang nasunod dahil kung sana’y bago nagdesisyon si Sec. Dominguez na ayawan ‘yung inaalok na ayuda ng EU, hindi na aabot sa ganitong lebel na di pagkakaunawaan

Oo, kinukondena nga ng mga miyembro ng European Union ang laban sa droga ni President Duterte ito ay dahil sa katrayduran ng mga dilawang nagpakalat ng mga baluktot na impormasyon at balita.

Naniniwala ako na magbibigay ng PAMANTAYAN at hindi KONDISYON ang EU dahil karapatan nilang­ magbigay ng ilang panuntunan bilang sponsor na nag­­­bibigay ng assistance. Magkaiba ang salitang PAMAN­TAYAN at KONDISYON. Ang pamantayan ay mga regulasyon na dapat isaalang alang habang ang KONDISYON ay may karampatang kapalit.

Kung gumana ang utak ni Sec. Dominguez, tinanong ‘yung mga kasamahan niyang economic advisers, sana pinag-aralan muna ‘yung mga pamantayang ito kung ito ba ay makakaapekto sa pagpapatakbo ng ekonomiya at lalabag sa mismong Saligang Batas. Ibang usapan kung sinasabi nitong mga e-u de putong EU na may kapangyarihan silang makialam at isa sa mga kondisyones ay mawawala ang pagiging sovereign nation ng Pilipinas, aba’y dapat talagang tanggihan.

Eh ang tanong, napag-aralan nga ba?  Nahimay mo ba isa-isa ang mga punto na dapat isaalang-alang Sec. Dominguez at ng iyong mga kasamahan? Dapat diyan, magkaisa kayo, ‘wag kang magsolo Sec. Dominguez. Pakinggan n’yo maigi, tingnan n’yong maigi,

Dapat tandaan ng bawat Gabinete na anumang desisyon at aksiyon ang inyong gawin ay kapalaran natin, ng buong sambayanang Pilipino at buong Pilipinas ang nakasalalay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with