^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakit walang mahuling riding-in-tandem ang PNP?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakit walang mahuling  riding-in-tandem ang PNP?

PAWANG riding-in-tandem ang gumagawa ng krimen ngayon. Naging uso na ang pagsalakay ng tandem at pawang sure ball ang birada nila. Bago iwan ang biktima, siguradong dedbol. At ang nakapagtataka, sa tagal nang gumagawa nang pagsalakay ang riding-in-tandem, hindi sila matiyempuhan ng mga pulis. Kahit minsan, walang makasagupang riding-in-tandem ang mga pulis. Wala ring senaryo na nakipaghabulan ang mga pulis sa mga sumalakay na tandem. Nasaan ang mga pulis? Ibig bang sabihin, mas mahusay ang tandem kaysa mga pulis?

Noong Lunes ng umaga, muling sumalakay ang riding-in-tandem at nagtagumpay na naman sila sa pakay. Inabangan nila ang paglabas ng bahay ni Assistant Prosecutor Diosdado Azarcon ng Caloocan City Prosecutor’s Office at pinagbabaril ito nang malapitan. Namatay agad si Azarcon. Ayon sa mga nakasaksi, walang anumang lumapit ang gunman kay Azarcon at binaril ito sa ulo. Pagkaraan ay walang anumang umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo.

Makabagbag-damdamin ang pag-iiyakan ng pa­milya ni Azarcon habang pinagmamasdan ang katawan nito. Nakapanlulumo ang tagpo na sa harap mismo ng bahay nito pinatay ang prosecutor. Wala silang alam na kaaway ito at wala ring pagbabanta sa buhay nito.

Nakadidismaya na walang pulis na nagpapa­trulya sa lugar. Taliwas sa laging sinasabi ng PNP na nagbabantay sila sa lahat nang oras. Kailan makikita na nakikipagbakbakan sila sa riding-in-tandem.

Nang araw ding iyon, pinagbabaril din at napatay din ng riding-in-tandem ang isang konsehal at ang misis nito sa Teresa. Rizal. Dadalo sa graduation ng kanilang anak sina Councilor John San Jose at maybahay na si Ma. Teresa nang pagbabarilin habang nasa kanilang sasakyan. Walang anumang tumakas ang riding-in-tandem. Wala ring pulis sa lugar.

Kailan makakadakma ng riding-in-tandem ang mga pulis? Lagi na lang bang malulusutan ng mag­kaangkas na criminal? Kailan magpapakita ng galing­ ang PNP laban sa riding-in-tandem?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with