^

PSN Opinyon

Walang himala sa bagong batas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINATUPAD na the other day ang bagong pakulo este mali batas pala na tatawagin “The Anti-Distracted Driving Law” ng MMDA kaya naman sangkaterba ang napataas ang kilay porke napakamahal at napakalaki ng multa dito oras na sumuway ang madlang motorista sa bagong utos.

Ika nga, hindi na ito bagong batas kung hihimayin dahil noon pang apat na dekadang nakaraan meron ng ganitong batas pero hindi gaanong ipinatupad.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, under the law bawal na ang paglalagay ng kahit na anong klase ng mga gadgets sa harapan ng driver side dahil ang lalabag, libu-libong piso ang multa.

Bakit?

Sagot - marami daw accidents ang nangyayari sa lansangan dahil sa paggamit ng mga iba’t ibang klase ng gadget partikular ang mobile phones.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong batas ay para sa lahat ng mga gumagamit ng lahat ng uri ng mga sasakyan pero ang hindi natin alam todits ay kung kasama dito ang kariton na may sakay na mga bata? Hehehe!

Bakit?

Sagot - para matiyak ang safety nang madlang drivers at sakay nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasamang ipinagbabawal ng LTFRB at LTO ang ‘rosaryo’ na nakakabit sa harapan ng sasakyan dahil abala daw ito sa driving.

Naku ha!

May sa demonyo pa pala ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking isyu ang ‘rosaryo’ sa mga kaparian.

Ika nga, away ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang layunin ng batas para maging ligtas ang madlang people sa kalsada pero ang problema, hindi ito ang usapin na dapat pag-ukulan ng pansin.

Ika nga, lihis ito sa isyu?

Bakit?

Ang grabeng traffic sa Metro - Manila partikular sa EDSA ang dapat pag-isipan ng husto ng mga pa-bright, bright para mapaluwag ang malalang traffiic dahil ito ang matinding problema sa kalsada na nagdulot ng malaking perwisyo sa madlang Pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mara­ming bawal pati ang kumain ng biscuit, uminom ng tubig ay bawal?

Ika nga, overacting ang dating ng mga pa-bright, bright.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang ang gustong palabasin ng mga pa-bright, bright para lumuwag ang traffic sa mga kalye ay ipagbawal ang paggamit ng mga gadgets?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang ginawang batas ay puersahin ang madlang people na maglakad na lamang para mawala ang malalang traffic sa mga lansangan?

‘Buti na lang pinalitan na si Tim Orbos?’

Goodluck, MMDA chairman Danny Lim!

Abangan.

Medicard - SLMC QC

Mahirap magkasakit lalo’t alaws tsapit sa bulsa at ang pamilya dahil hindi biro ang halaga ng mga gamot na magpapagaling sa isang pasyente puera pa todits ang professional fees ng doctors at hospital bills oras na ma-confine ka.

Ika nga, patay kang bata ka!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mainam na kumuha o may medical insurance card lalo na ‘Medicard,’ dahil malaking tulong ito sa pasyente oras na nagkasakit sila.

Sabi nga, na o-off set ang bayad kapag mayroong ‘Medicard’ plus philhealth halos wala nang babayaran.

Ika nga, ok ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking tulong ito sa mga pasyente lalo’t may problema o sakit sila.

Kaya huwag nang mag-atubiling kumuha ng ‘medicard’ para magamit ninyo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikinatuwa nila ang serbisyong ipinakita ng mga medicard staff dyan sa St. Lukes Kyusi na sina Annabelle Sarmiento, Janet Castillo, Amie Cruz, Grace Corsanes, Angel Retonio, Cindy Ylagan, Chesel Riego De Dios, Lance Caling, Mary Cris Azares at Krizzia Pascual dahil mababait, magalang at makatao kung tratuhin ang mga miembrong nangangailangan ng tulong para magamot at maunawaan ang sakop ng medicard.

Ika nga, caring sila!

‘Ano ngayon ang dapat para sa kanila?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sagot - saluduhan at purihin sila sa kanilang trabaho at caring sa mga miembro nila.

Sabi nga, hindi sila bastos!

Ika nga, very good sila!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with