^

PSN Opinyon

Nasaan mga pulis mo, Gen. Bato?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON namayagpag na naman ang mga riding in Tandem nang patayin ang konsehal at asawa nito sa Teresa, Rizal at ang fiscal sa Caloocan City. Naganap ang pamamaslang kina Teresa, Rizal Councilor John San Jose at asawang si Ma. Theresa dakong 7:00 ng umaga sa Sitio Uno Bridge. Paluwas umano ang mag-asawa patungong  RTU Manila sakay ng Mitshubishi Montero upang saksihan ang graduation ng kanilang anak na si Jaydee Ansherina.  Habang binabaybay nila ang Sitio Uno Bridge nang pagbabarilin ng mga kalalakihan sa magkabilang bahagi ng sasakyan. Tinamaan sa ulo ang mag-asawa at namatay sa Saint Therese Hosital. Tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Abuyog, Barangay Dalig. Blanko na naman dito ang mga pulis mo PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at mapapabilang na naman ang mga biktima sa death under investigation na kadalasang nangyayari dahil tutulog-tulog ang mga tauhan mo.

Sa Caloocan City, patay si City Prosecutor Diosdado Asarcon ng pagbabarilin ng riding in tandem sa tapat ng kanyang tahanan sa  9th Avenue. Blanko rin ang mga pulis mo, Gen. Bato sa pangyayari. Parang manok na lamang ang buhay ngayon ng tao sa pagsalakay ng mga riding in tandem. Palaging nauuwi sa kaliwa’t kanang imbestigasyon na sa kalaunan ay malilimutan na ang paghahanap sa mga salarin. Sa totoo lang Gen. Bato suportado ng lahat ang “giyera kontra droga” ni Pres. Rodrigo Duterte subalit kung mga opisyales at inosenteng tao na ang nabibiktima ng patayan na kinasasangkutan ng mga riding in tandem nagkakaroon ng takot ang sinuman. Ikumpas mo ang kinakalawang na kamay na bakal sa mga alipores na habulin ang mga riding in tandem sa lahat ng sulok ng bansa.

Kung magpapatuloy ang lumang sistema ng PNP sa mga napapaslang na kikilos lamang kung kilalang tao ang biktima o nababanatan sa diyaryo, tv at radio. Hambalusin mo ang LTO na ilabas na ang car plates. Maging itong Land Transportation Franchising Regulary Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad  ang “marking numbers” sa mga motorsiklo at mga sasakyan. Mahigit na tatlong taon na walang plakang inilabas kaya halos lahat ngayon ng mga motorsiklo ay ginagamit ng riding in tandem. Obligahin mo ang mga ahensyang aking binanggit upang magkaroon ng “marking number” ang harap at likod ng mga motorsiklo ng madali silang mahuli. Kadalasan kasi pulis ang napagbibintangan ng mga biktima oras na magkaroon ng patayan na kinasasangkutan ng mga riding in tandem. Kilos na Sir Bato! Sawatain mo ang Riding in Tandem at obligahin  si DOTr secretary Arturo Tugade na ilabas na ang mga car plate na binayaran ng car owners ng P450.00.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with