^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming namamatay sa road accidents

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming namamatay sa road accidents

NOONG Sabado, isang bus at isang jeepney ang nagbanggaan sa  Camarines Sur. Isa ang patay at walo ang nasugatan. Mabilis ang takbo ng jeepney at inokupa ang linya ng kasalubong na bus. Sa Legaspi City, Albay, isang lalaki ang namatay nang masagasaan ng isang humahagibis na bus habang tumatawid. Hindi na umabot ng buhay ang lalaki sa ospital. Nahuli ng mga pulis ang driver ng bus at sasampahan ng kaso.

Mapaprobinsiya at mapa-Metro Manila ay mara­ming nangyayaring aksidente sa kalsada. Hindi pa nalilimutan ang pagkamatay ng 26 na pasahero ng bus nang mahulog sa bangin sa Nueva Ecjia. Mabilis ang takbo ng bus sa pababa at pakurbang bahagi ng highway. Sariwa pa rin sa alaala ang pagkamatay ng 15 estudyante sa Tanay, Rizal makaraang bumanga ang tourist bus na kanilang sinasak­yan. Nawalan ng preno ang bus habang pababa at bumangga sa poste ng kuryente.

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na 34 Pinoys ang namamatay araw-araw dahil sa aksidente sa kalsada. Ang figure ay inilabas sa paglulunsad ng Save Lives#SlowDown road safety campaign sa pagdiriwang ng Global Road Safety Week noong nakaraang linggo.

Sa report ng PSA, lumalabas na ang overpseeding ang pangunahing dahilan ng road accidents. Masyadong tulin ang pagpapatakbo at sumasalpok sa kasalubong o bumabangga sa poste o nahuhulog sa bangin. Ang mga kawawang pasahero ang kawawa sa nangyayaring ito. Dahil sa pagi­ging kaskasero ng driver, inihulog niya sa hukay ang kanyang mga pasahero. Maraming pagkaka­taon na ang driver ay nakakaligtas sa aksidente.

Maraming kaskaserong driver na walang pakialam sa buhay ng pasahero o ng pedestrians. Nararapat na magsanib puwersa ang DOTC, LTFRB, LTO at MMDA para ganap na mapanga­lagaan ang mga pasahero sa reckless drivers. Maraming jeepney at bus driver ang istupido sa pagmamaneho. Dapat maisalalim sila sa pagsasanay bago pahawakin ng manibela. Buhay ng pa­sahero ang nakataya kaya nararapat pangalagaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with