^

PSN Opinyon

‘Bully si Singkit!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

PANININDAK, PANANAKOT, pagpapakita ng pwersa at lakas. May laban ba si David kay Goliath?

Nagkaroon na ng ruling tungkol sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Pumabor ang desisyon sa ating bansa pero parang hindi rin tayo nanalo dahil binabakuran pa rin ito ng China at hindi natin magalaw ang mga likas na yaman sa nasabing lugar.

Nagtungo sa Beijing nung nakaraang linggo si Presidente Rodrigo Duterte at sa paghaharap nila ni Chinese President Xi Jinping ay nabuksan ang usapin tungkol dito.

Giyera ang banta ng China laban sa Pilipinas kung sakaling igiit ni Presidente Duterte ang nasabing desisyon.

Sa West Philippine Sea tayo maaari makakuha ng dagdag enerhiya ngunit hindi sang-ayon dito ang Presidente ng China. Naikwento na ng Presidente ang naging pag-uusap nila at nang banggitin nga nito na maaaring humantong sa giyera ang pagpilit sa desisyon ay wala ng masabi pa ang Presidente.

Alam ng Presidente na kung sakaling magkaroon nga ng giyera  sa pagitan ng Pilipinas at ng China ay magbubunga lang ito ng massacre sa mga Pilipino.

Sa naging panayam sa Presidente sinisi niya ang pinalitang administrasyon kung bakit hinayaang magtayo ng istruktura ang China doon sa WPS at hindi man lang ito pinigilan.

Pwede silang lumapit sa Amerika o sa ibang bansang miyembre ng United Nations para mapigil ang mga ito.

Nung simula ayaw pang payagan ng China ang mga mangingisdang Pilipino na mangisda da lugar nay un. Kinailangan pang makipag-usap ng Presidente para sa ating mga kababayan.

Naturingang teritoryo ng Pilipinas ang WPS ngunit wala tayong kalayaan na pakialaman ito o kumuha ng enerhiya at ilang maaaring pagkakitaan ng mga Pilipino.

Hindi daw ipinaglalaban ng Presidente an gating karapatan sa WPS at kapag hindi pa siya kumilos malamang ay aangkinin na ito ng China.

Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio dapat obligahin ang China na sundin ang naging ruling ng International Court.

Idiniin ni Carpio na hindi katanggap-tanggap ang sinabi ng Presidente na wala siyang magagawa. Dapat kumilos ang administrasyon at ipaglaban ang teritoryo ng Pilipinas dahil kung hindi paniguradong aangkinin na ito ng China.

Ang China ang makikinabang sa likas na yaman na meron ang WPS. Kung hindi sasabak sa giyera ang Pilipinas ay maaaring mag­hain ng kaso sa United Nations Tribunal ang Presidente laban sa China dahil sa pagbabanta nito.

Sinagot naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon si Carpio na dapat ay pagandahin ang relasyon ng Pilipinas at ng China. Kailangan din daw humingi ng tulong ng Pilipinas sa Amerika para malabanan ang China.

Kung si Presidente Duterte ang tatanungin hindi niya isusubo ang ating bansa sa giyera at dadaanin niya sa diplomasya at legal na paraan ang pag resolba sa nasabing problema.

Sinabi rin ni Presidente Duterte na hindi magpapakamatay ang Amerika o ang iba pang bansa para sa Pilipinas.

Muling binalikan ng Presidente ang nakaraan na kung totoo ngang kaalyado ng Pilipinas ang Amerika dapat noon pa ay kumilos na ito nang magsimulang magtayo ng istruktura ang China sa nasabing lugar.

Inilaban na ito ng dating administrasyon para makuha ang karapatan sa teritoryong pinaniniwalaang sakop ng ating bansa.

May ilang taon ding nagtiis ang mga mangingisda na huwag mapadpad sa bahaging yun dahil nakabantay ang China sa teritoryo na inaangkin nila.

Kahit mapadaan ka lang para bang kanyon ang kanilang mga mata na nakaumang sa ‘yo kaya’t mangingimi kang lumapit.

Nanalo na ang Pilipinas pero hindi pa rin natin mahawakan o masabing pag-aari natin ang lahat ng likas na yaman na naroon sa WPS dahil nakabantay pa rin ang China.

Hindi pinapayagan na makakuha ang ating bansa ng oil sa lugar na dapat ay panggagalingan ng halos 40% enerhiya ng bansa.

Ilang taon pa ang hihintayin ng Pilipinas baka maangkin ang teritoryong talaga namang atin?

Sa rami na ng problema ng bansa at sa pakikipaglaban ng administrasyon sa droga at terorismo kung sasabayan mo pa ng giyera laban sa China kakayanin pa kaya ng ating mga kababayang sundalo at pulis na maipagtanggol ang ating bansa?

Tama ang Presidente sa desisyon niyang idaan sa diplomasya at legal ang usapin. Hindi dapat dahas ang maging susi para lang mabawi natin ang West Philippine Sea.

Sabi pa ng Presidente kung nakahandang lumaban ang Amerika at ibang bansang miyembro ng United Nations ay lalaban siya ngunit kung ang pag-uusapan ay ang Presidente lamang ang lalaban bakit daw niya gagawin yun?

Magreresulta lamang ito ng pagkasira ng lahat. Dagdag pa ng Presidente ang unang sasabog dito ay ang Palawan.

Wala siyang cruise missiles bagamat maaaring may mabilis siyang mga barko.

Kung sa pakikipaglaban nga sa mga kaaway ng gobyerno ay kinakailangan natin ng karagdagang sandata at lakas ano pa kung bansa na ang kakalabanin natin.

Ang desisyon naman tungkol dito ay hawak ng Presidente pero naniniwala ako na kung ano man ang kanyang magiging pasya hindi niya ipapahamak ang nakararami.

Hangga’t nakabantay ang China ay hindi natin magagalaw ang teritoryo natin.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with