^

PSN Opinyon

Ano kaya talaga?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGKASUNDO na raw ang 10 bansa ng ASEAN at China, para sa pundasyon ng “Code of Conduct” sa South China Sea. Ang code of conduct ay kasunduan para hindi magkaroon ng pagsasapalaran sa karagatan, dahil na rin sa pag-angkin ng ilang bansa ng ASEAN at China sa mga isla. Wala nang ibang detalye na inilabas sa publiko. Magkikita muli sa Agosto ang mga ministro para talakayin pa nang husto, at kung tatanggapin na ang kasunduan para pag-usapan pa. Sa madaling salita, nagkasundo lang para mag-usap, hindi para tanggapin ang pag-aangkin ng sinumang bansa.

Pero ano ba talaga ang “Code of Conduct” na ito? Baka naman mauwi lang sa kung paano ang tamang paraan para magpaalam sa China kung maglalayag ang mga barko at lilipad ang mga eroplano sa rehiyon? Hanggang ngayon ay binabalaan ng militar ng China ang anumang eroplano na “pumasok” sa kanilang teritoryo. Kailan lang ay nagpahayag ang Japan at New Zealand na dapat respetuhin ang inilabas na desisyon ng Permanenet Court of Arbitration, bukod sa mapayapang pag-uusap hinggil sa mga isyu sa karagatan. Siyempre, ikinagalit ito ng China. Tuwing nababanggit ang desisyon na iyan kung saan nanalo ang Pilipinas, alam mong masama ang timpla kaagad ng China. Inakusahan ng China ang Japan na nanggugulo, lalo na ngayon at tila nagpapasikat ang China sa mundo sa ginawang “One Belt, One Road” summit, at ang laking “ikinaganda” na ng relasyon ng Pilipinas at China.

Pag-uusapan daw ang mga inilagay na rocket launchers ng China sa Kagitingan Reef o Fiery Cross Reef, kung saan mistulang kampo na ng militar ang buong isla. Ewan ko lang kung may mangyari naman sa usapang iyan, matapos ang balita na magbibigay daw ng 23,000 libreng baril ang China sa Pilipinas, bukod sa bilyong-dolyar na pangakong tulong ng China sa bansa. Parang wala na ngang posisyon ang bansa kapag teritoryo na ang pag-uusapan, at ayon din sa mga eksperto, pati ang pag-aangkin ng ibang bansa tulad ng Vietnam, Brunei, Taiwan at Malaysia ay hihina na rin kung hindi nga magiging matigas ang posisyon ng Pilipinas sa isyu. Ganun na nga si­guro sa ilalim ng administrasyong Duterte, na halos gawin na ang lahat para matuwa ang China.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with