^

PSN Opinyon

H’wag gawing state witness si Napoles

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

DI ba ang ginagawang state witness ay ‘yung least guilty? Itong si Janet Lim Napoles ay isa sa pinaka-guilty sa pork barrel scam ng mga mambabatas, kaya dapat huwag magpadalus-dalos si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na gawing state witness si Napoles dahil bilyong piso ang nakulimbat niyang pera ng bayan. Alam nating lahat na siya ang mastermind sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam tapos ngayon gagawin pang state witness. Kapag nangyari yun mababawasan ang kanyang jail time at may posibilidad na hindi na mabawi ang kanyang ninakaw.

Nung naipanalo ni Janet Napoles ang kaso niya laban kay Benhur Luy na illegal detention sa Court of Appeals, humiling agad ang abogado niya na mailipat siya sa NBI at may banta kuno sa kanyang buhay. Lalo ngayon na gagawing siyang state witness mas maraming hihinging pabor yan.

Kung bubuksan muli ang PDAF scam mukhang magkakabangga sina Aguirre at Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Sinabi ni Carpio-Morales na hahara-ngin niya kapag ginawang state witness si Napoles, at si Aguirre ay may pagkamatigasin na ngayon siya raw ang magdedesisyon kung pwedeng gawing state witness. Kung talagang kakanta yan ng kanyang kasabwat sa PDAF scam noon pang iginisa siya sa Senado. Hindi kaya may kapalit yang pagiging state witness ni Napoles na yan?

Masuwerte tayo dahil meron tayong Ombudsman na tapat sa kanyang serbisyo. Walang takot banggain ang malalaking tao sa gobyerno. Di ba nakapagpakulong na siya ng tatlong senador na kasabwat ni Napoles? Ang mali sa kanya ay mali kahit sino ka pa kapag mali ang ginawa ipapakulong ka.

Maghunos-dili si Aguirre kung gagawing state witness si Napoles dahil magtuturo-turo lang yan ng kung sinu-sino ang kanyang mga kasabwat na kawatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with