PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Determinasyon

ANG pinakamalaking balitang nag-ugat sa nakaraang Bar exams ay ang kuwento ng janitor na naging lawyer­ na si Ramil Comendador. Ang kanyang cinderella story­ ay naghatid inspirasyon sa milyun-milyong Pilipinong na­ngahas mangarap. Ang halimbawa niya ay testimonya sa kasabihan na walang balakid na hindi malalampasan ng pagpupursigi at determinasyon.

Ang Universidad de Manila (UDM) ay ang pamantasang nagbigay daan upang makamit ni Ramil ang kanyang law degree. Ang UDM din ang pinagtapusan nito ng kanyang bachelor in public administration. Kaya itinatag ang mga pamantasang lokal tulad ng UDM na pag-aari at ginagastusan ng lungsod ng Maynila ay para nga maserbisyuhan ang mga sektor na hindi karaniwang nabibigyan ng tsansang makapag-aral.

Kilala ang Maynila bilang sentro ng higher education sa bansa dahil dito mahahanap ang university belt. Su­balit hindi naman matustusan ng karaniwang mamamayan ang mataas na matrikula ng mga pribadong pamantasan. Ang UDM at ang sister university nito na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay regalo ng mayor at ng konseho ng Maynila upang mabigyang patas na pagkakataon ang mga residente ng Maynila.

Hindi basta-basta ang kalidad ng edukasyong ini­aalok ng UDM at PLM. Sa katunayan, matagal nang na­ngunguna ang mga kolehiyo ng PLM sa mga bar at board exams. Ang UDM din, bagamat mas bagong institusyon, ay nakikilala na rin dahil sa magandang rekord. Ang UDM ay walang sinisingil na college tuition.Ang tagum­pay ni Ramil, na isa lamang sa libu-libong katulad niyang naghintay lang ng pagkakataon, ay tagumpay ng UDM at ng lungsod ng Maynila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: