PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Isang mali lang, may kastigo!’ -- Sec. Bello

NAGSAMPOL na si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa kanyang mga tauhan na hindi ginagawa ang tungkulin.

Ilang kawani na ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) ang kanyang ni-recall, pinauwi sa Pilipinas dahil sa palpakis na sistema sa kani-kanilang destination post. Alinsunod ito sa pagpapaigting ng kampanya ng Duterte administration na asistehan ang mga panganga­ilangan, hinaing at problema ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Mahigpit ang tagubilin ni Bello sa bawat POLO offices lalung-lalo na ‘yung mga nasa Middle East na layunin nilang proteksiyunan at pangalagaan ang kapakanan ng bawat overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang nasasakupan. Ang bawat embahada at consulate offices ang representasyon ng gobyerno upang masiguradong nakikita ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. 

Aminado si Bello na marami ang kaso ng distressed OFWs sa Gitnang Silangan. Ito ‘yung mga household workers (HHWs) na nakaranas ng pang-aabuso at pananamantala ng kanilang mga amo. Kapag tumakas sila sa kanilang employers ay tumatakbo sa embahada at consulate offices upang doon pansamantalang manu­luyan habang inaasikaso ang mga kaso na kanilang kinasangkutan.

Hindi raw biro ang nakasampang tungkulin sa balikat ng DOLE, POLO, OWWA at maging POEA para asika­suhin ang pagpapauwi ng mga distressed OFWs. Ayon mismo kay Bello, mismong personal number niya ang pinamahagi sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa para sa agarang paghingi ng tulong. Kaya kahit madaling araw, dahil sa tinatawag na time difference, sumasagot pa siya ng tawag. Nagmistulang hotline tuloy ang kanyang telepono.

Subalit kailangang proteksiyunan siguraduhing ligtas at maayos ang kapakanan ng ating mga kababayan, ito ang utos ng Presidente, ito ang tawag ng kanilang tungkulin kaya ito ang dapat na gawin. Dagdag ni Bello, isang mali lamang ng kanyang mga tao, may katumbas na kastigo. Tunog BITAG hindi ba?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa pagdaan ng panahon, naging takbuhan ang tanggapan naming magkakapatid na Tulfo ng mga taong inabuso at nanghihingi ng tulong. Nitong taon lang, dinagsa ang aking programang Kilos Pronto ng mga mensahe ng paghingi ng saklolo ng mga kababayan natin nagpapa-rescue sa ibang bansa dahil sa sobra ng pang-aabuso. Kaya naman mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang aking tanggapan sa mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno upang matagumpay na maisagawa ang tinatawag na serbisyo publiko.

Nalalapit na naming ilunsad ang isang programa kung saan mas magiging aktibo ang kooperasyon ng BITAG, Kilos Pronto, DOLE, OWWA, at POEA. Abangan ang buong detalye.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: