PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Masamang balita sa honorarium/OT ng Bureau of Immigration

The other night (Thursday) halos sumabog ang luha ng mga immigration personnels ng mabalitaan nila na wala na ang kanilang inaasahan na P48,000 honorarioum/allowances na kinakuha sa Express Lane Fees ng bureau para ibayad sa kanila.

‘Wala na talaga. Hindi na maibabalik, pinal na ito noong Huebes ng gabi.’ sabi ng kuwagong ngalngal nang ngalngal.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang inaasahang honorarium/overtime ng mga empleado lalo na ang mga taga - NAIA ay patay na matapos itong i-veto ni Boss Digong noong Enero.

Ika nga, goodbye!

Sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyaring pag-veto maliit na lamang ang natatanggap ng mga regular employees ng BI lalo na ang mga mabababa ang item.

Sabi nga, almost P14,000 na kulang para sa kanilang pangangailangan kung ito ang sasahurin nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anyare?

Sagot - maraming mga taga  immigration ang nagsilayas sa kanilang trabaho lalo iyong mga bata pa o bagong pasok todits dahil sa sahod na kanilang natatanggap.

Ika nga, lipat na lamang sila ng ibang trabaho.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga newly appointed immigration officers partikular sa NAIA ay galing pang mga probinsiya umuupa sila ng haybol dito mga P5,000 at isa pa sa problema ay ang mga pamasahe at tsibug nila sa pang araw-araw huwag na muna natin isama ang gastos sa pamilya nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterba na rin ang nagbibitiw sa BI puera pa rito ang mga naghain ng month long work leaves.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pangyayaring ito naranasan na rin ng ilang turista at mga balikbayan ang grabeng haba ng pila sa arrival at departure immigration counters lalo na bago pa mag-lenten season.

‘Hay, buhay!’

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti na lamang at may puso at malasakit si BI Commissioner Jaime Tugade sa mga taga - immigration sa NAIA kaya naman noong nakaraan Maundy Wednesday up to Linggo ng pagkabuhay ay inilibre niya sa tsibug ang mga naka-duty sa paliparan.

Sabi nga, almusal, tanghalian at hapunan para suportahan sila at magtulungan ang bawat isa para sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ipinambayad sa mga pagkain ng mga empleado ng BI sa NAIA ay galing mismo sa sahod ni Morente.

Kambiyo issue, ilang sulat na rin para kay Boss Digong at mga pagpupulong kay DBM ang ginawa nina Morente sa Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., pero walang nangyari.

Sabi nga, hindi sila nagpabaya sa ginawang apela sa mga matataas sa Palasyo pero ayon nilangaw lamang ang mga sinabi nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang paggamit ng BI sa express lane fees bilang honorarium/overtime pay ay itinulak noon bilang anti-graft measure noong 1998 ni late former senator and Immigration chief Miriam Defensor-Santiago.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, libu-libong immigration personnel at non - regular employees ang naapektuhan ng pag-veto ni Boss Digong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nangyaring ito last Thursday night malamang madagdagan pa ang aalis sa BI para maghanap ng ibang trabaho.

‘Ang mga 40 years old up tiyak magtatiaga at maghihintay ng bagong batas para itaas ang kanilang sahod dahil wala ng ibang mapupuntahan ang mga ito porke over-aged na sila at nanghihinayang sa length of services nila.’ sabi ng kuwagong sumbungero.

‘Ano kaya ang mainam gawin ng mga nag-iiyak?’ tanong ng kuwagong inapi.

Sagot - bumili ng tissue o panyo para may pampahid sa sipon at luha. Hehehe!

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: