PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Operation Damayan umarangkada sa Port Area

HINDI naging hadlang ang sobrang init ng panahon para mapaglingkuran ang mga kababayan natin sa Port Area, Manila. Kahapon inilunsad ng PhilStar Media Group ang Operation Damayan Medical and Dental Mission sa Barangays 650, 651 at 652 kung saan nabibiyayaan ang mahigit 1,000 katao ng libreng kunsultasyon at bunot ngipin kasama na riyan ang mga gamot. Bagamat tagaktak ang pawis ng mga doctor at empleyado ng Star Group of Publication sa tindi ng init ng simoy ng hangin hindi ito naging hadlang, bagkus masigla at masaya pang nagtulung-tulong sa pag-asikaso sa kapwa na­nga­ngailangan ng tulong-medikal, he-he-he! Kung sabagay­ maliit na bilang lang itong napaglingkuran ngayon ng Ope­ration Damayan kumpara sa mga nagdaang mga pa­na­hon ng manalasa ang kalamidad, kasi nga biglaan lamang itong pagtugon sa mga taong nagnanais ng kalinga sa kalusugan sa panahon ng tag-araw.

Para sa inyong kaalaman mga suki, ang Operation Damayan ay itinatag ni Mam Betty Go Belmonte noong 1989 matapos manalasa ang mga malalakas na bagyo. Lalo pa itong pinalawak ng kanyang anak na si Miguel G. Belmonte (President and CEO) sa mga estudyante na nangangailangan ng ayudang gamit pagkarunungan sa pamamagitan ng Adopt a School Program. Pinalawak ng Operation Damayan ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, binigyan ng halaga ang edukasyon kung kaya nakapagpatayo ng 16 na school building sa iba’t ibang lalawigan. Nang manalasa ang Bagyong Yolanda noong 2013, sinuong ng Operation Damayan ang nasalantang lugar ng Tacloban, Leyte at Samar dala ang libu-libong relief goods. Nagpatayo ng apat na school buildings sa naturang lalawigan upang makatulong sa mga estudyateng nawalan ng silid-aralan. Matapos ang proyekto sa Yolanda victims sinimulan naman ang pagtayo ng classroom para sa mga estudyante ng Journalism sa Metro Manila at Bataan sa ilalim ng Journalist Hub program at sa kasalukuyan ay pinakikinabangan na. Ang mga classroom ay kumpleto sa kagamitan at gadgets.

Kahapon nga mahigit 1,000 residente ang natulungan ng Operation Damayan Medical and Dental Mission sa Port Area. Ayon kay Human Resources and Operation Damayan head Emie Cruz bukas-palad na handog ito sa mga residente ng Port Area sa ika-31st anibersaryo at baliktanaw sa patuloy na pagiging number 1 ng pahayagang Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, PM Pang Masa at Pilipino Star Printing. Ang Operation Damayan ay suportado ni Boss Manny V. Pangilinan, Miguel G. Belmonte at C.F.O. Carlos Dizon. Kaya sa bawat kalamidad, hindi nagpapahuli sa pagtulong ang PhilStar Media at Operation Damayan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga sinalanta.

Kaya naman tinatayang mahigit sa P300,000 halaga ng gamot ang libreng naipamahagi sa mga kababayan natin sa Port Area. At dahil nga sa tauspusong paglilingkod sa kapwa ang adhikain nitong Operation Damayan, maraming doctor ang sumasama sa mga proyekto pang-kawanggawa. Malaki ang naiambag ng mga doctor mula sa Hospital of the Infant Jesus na sina Dr. Vivien Dimalanta, Vincent Carreon at Leslie Calimbas. Ang Iglesia ni Cristo naman ay nakibahagi sa libreng gamutan sa partisipasyon nina Dr. Isla, Dr. Illinas at RN Deane Fernandez. Umayuda rin ang mga masisipag na doctor ng Medicard na sina Dr. Cely Dizon, Juliet Recidoro, Leonor Pascual. Maging ang Philippine General Hospital na kinatawan ni Pediatrician Dr. Heizel Beluso ay ibinuhos ang kanyang dunong sa pagbigay lunas sa mga kabataang kinapitan ng sakit na ubo’t sipon. Ang Philippine National Red Cross, Manila sa pangunguna ni Dr. Ricky Castillo ang  umasiste sa pagkuha ng dugo ng mga empleyado ng Star Group of Publication sa blood letting. Malaking tulong itong dugong handog ng mga bossing at empleyado ng PhilStar Media sa pangangailangan ng madlang people. Get n’yo mga suki!  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: