PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Out of court settlements sa mga tax evaders

MAGANDA ang ideya ni Presidente Duterte na “out of court settlements” sa mga mandarayang kompanyang hindi nagbabayad ng tamang buwis. Ngunit para sa akin, kung nais nilang mabura ang kaso nila, tumbasan nila ng mas malaking halaga ang hindi nila nababa­yarang buwis. Makakaragdag nang malaki iyan sa pondo ng pama­halaan para sa mga programa nito.

Kaya ipinanukala ni Manila 1st district Rep. Manuel Lopez na gawin ito sa paraang may pakinabang ang pa­ma­halaan at mamamayan. Sa sarili kong opinyon, dapat bigyan ng leksyon ang mga talamak at tinamaan ng ma­galing na mandarayang kompanya sa pamamagitan ng malaking halagang dapat nilang ibayad pero dinaya ang gobyerno. Mas malaki kaysa dapat nilang bayarang buwis, kapalit ng criminal liability. Pero iyan ay para sa akin lang naman. Marahil, sa laki ng halagang dapat nilang panagutan, hindi na uulit ang mga mandarayang kompanyang iyan!

Suportado ni Lopez ang posisyon ni Duterte na areg­luhan sa labas ng korte sa malalaking kumpanyang  nahaharap sa back taxes kagaya ng isang naging kontro­bersyal na kompanya ng yosi na namemeke pa ng tax stamps at dinadaya ang pamahalaan ng bilyun-bilyong pisong salapi. Ani Lopez, makatutulong ang makukuhang pondo sa rehabilitasyon ng mga pagamutan kagaya mga pampublikong  ospital sa Tundo.

Lubhang ikinalungkot ng Mambabatas ang mga ulat na hindi kasiya-siya ang mga resolusyon at kapasyahan  sa mga nakaraang kaso ng tax evasion na inihain sa mga tinatawag na malalaking personalidad sa sektor ng negosyo. Aniya: “Kailangan po itong isagawa ngayon ng maingat, sang-ayon sa batas, pabor sa pamahalaan at mamamayan at higit sa lahat hindi dapat pagsuspetsahang may naganap na “secret deal”, pagbibigay diin ng Tondo Solon.

Aniya, ang tatlong ospital sa kanyang distrito na kailangan ang tulong pinansyal para mapasigla ang serbisyong medikal nito sa mahihirap ay ang ospital ng Tondo Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center.

Tinukoy pa ng mambabatas na seryoso­ ang pangulo ng siya’y manungkulan na tulu­ngan ang sektor ng mahihirap sa bansa.
Iki­­­na­siya ni Lopez pahayag ng pangulo na isang bilyong pisong pondo mula sa 3 bilyong pisong  alok para sa out of court settlement sa isang kumpanya ng tobacco ang gagamitin sa pagsasaayos ng pasilidad ng mga ospital ng tundo sa kanyang distrito. Dagdag pa ni Lopez na “ito ay magandang balita para sa aking mga constituents na mahihirap na nangangailangan ng ibayong atensyon at serbisyong pangkalusugan”.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: