PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Congrats UDM! a

MATAPOS ang isa namang paiyakang akademikong taon, naka­pagpatapos muli ang mga Pamantasan ng bansa ng kani-ka­nilang Class of 2017. Nadagdagan na naman ang mga maghahanap ng trabaho, makakahanap ng trabaho at hindi makakapag­trabaho. Kung kaya dapat ay puspusang pagandahin sana ang takbo ng ekonomiya nang madagdagan ang pangangailangan sa bagong miyembro ng labor force.

Sa Universidad de Manila (UDM), isa sa dalawang pamantasan sa Manila, 2179 ang bilang ng mga umakyat sa entablado at nabigyan ng diploma nitong nakaraang linggo. Kapag ganito karami ang gradweyt, hindi kakayanin ng karaniwang venue ang mga estudyante, kasama ang mga magulang at bisita, pati na rin mga administrador at guro kung kaya hinahati sa dalawang sesyon ang seremonya. Sa umaga, ang naging tagapagsalitang panauhin ng UDM ay ang dating Secretary of Defense Gilberto “Gibo” C. Teodoro, Jr. Sa hapon naman, si Education Secretary Leonor M. Briones ang guest speaker.

Ang buong administrasyon ng UDM, kabilang ang aming Chairman of the Board at pangunahing supporter na si President Mayor Joseph E. Estrada, at ang mga Regent sa pangunguna ni retired Supreme Court Justice Arturo Brion, dating Agriculture Secretary William Dar, dating Chairman ng Presidential Commission on the Urban Poor Atty. Donna Gasgonia, dating National Intelligence Coordinating Agency Director, General Cesar Fortuno; Dr. Primitivo Chua; Dean Venancio Padilla; at sina City Councilor Robert Ortega at Manila Division Superintendent of City Schools Wilfredo Cabral ay masiglang pinamunuan ang mga seremonya, kasama ng inyong lingkod na tumatayong Pangulo ng UDM.

Si President Mayor Estrada ay nagbigay din ng inspirational message sa mga iskolar ng UDM at kinilala ang kakaibang performance nito sa mga board exam na patibay na umaangat ang kalibre ng Universidad. Ang UDM na lang ang nalalabing lokal na pamantasan na nagbibigay ng buong libreng edukasyon sa mga residente ng lungsod. Bago pa pinag-usapan ang panukalang ilibre na ang tuition sa state colleges and universities, matagal na itong pinangangatawanan sa Maynila sa pamama­gitan ni Mayor Estrada, ang kanyang Konseho at UDM.

Congratulations sa mga nagsipagtapos na UDM Merlions!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: