PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

48 bagong bagon ng MRT-3, nasaan?

NU’NG Nob. 2016 nangako sa Senado si noo’y MRT-3 officer-in-charge Deo Manalo na gagana na sa wakas simula Peb. 2017 ang mga bagong bagon mula China. Dalawang buwan na ang lumipas mula nu’ng deadline -- wala pa rin ni isang umaandar na bagon na gawa ng Dalian Locomotive and Rolling Stock Corp. Apat ang dahilan ng pagka-antala:

Ang una ay inamin ni Manalo nito lang Marso sa House of Reps. Bagamat na-deliver na nitong Enero lahat ng bagon na in-order ng MRT-3 nu’ng 2013, hindi pa ito pormal na tinanggap ng Dept. of Transportation. Dahil dito, bawal sa kontrata na gamitin ang mga bagon.

Kadikit nu’n ang ikalawang rason. Kaya hindi pa pormal na tinanggap ng DOTr ang mga bagon ay dahil kulang-kulang ang mga ito. Ni isa sa 48 ay hindi na-test-run sa pabrika sa China nang 5,000 km, para sa kaligtasan, galing, at tibay. Peligroso lahat ng bagon. Hindi mai-test-run ang mga bagon sa riles ng MRT-3 dahil bulok ang mga ito. Palpak ang maintenance ng kontratistang Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Ikatlo, isa sa pinaka-kulang sa mga bagon ay ang signaling. Kritikal ito sa otomatikong pagpreno ng bagon kung may emergency, at para malaman ng MRT-3 control center kung nasaan ang bawat bagon sa bawat sandali.

Ikaapat, hindi kaya ng kasalukuyang power supply ng MRT-3 magpaandar nang sabay-sabay ng mahigit 72 bagon, o 24 na tren na tigatlong bagon. Kasalukuyan pang nagdadagdag ng power generators. Dahil 63 lumang bagon na gawang Czech Rep. lang ang tumatakbo ngayon, hanggang anim na bagon mula Dalian lang ang maidadagdag.

 Lahat ito’y itinago ng MRT-3 sa Senado nu’ng una. Kasi ang ginagawa lang nito ay maningil sa DOTr ng ibabayad sa Dalian at sa BURI. Iisang grupong malakas ang nasa likod ng dalawang kontrata.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: