^

Police Metro

Supt. Nobleza, Abu bomb expert kasal na

Joy Cantos - Pang-masa
Supt. Nobleza, Abu bomb expert kasal na
Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Regional Office (PRO)-7 Director P/Chief Supt. Noli Taliño sa kanilang isinagawang imbestigasyon matapos na umibig ang babaeng opis­yal sa bomb expert na dati nitong isinasailalim sa interogasyon sa pambo­bomba sa Cagayan De Oro City may ilang taon na ang nakakalipas. Facebook/Maria Nobleza,
ABS-CBN photo

MANILA, Philippines - Hindi na pala nobyo kundi  mag-asawa na sina Supt. Maria Cristina Nobleza at ang Abu bomb expert na si Reener Lou Dongon matapos  magpa­kasal sa Muslim rites.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Police Regional Office (PRO)-7 Director P/Chief Supt. Noli Taliño sa kanilang isinagawang imbestigasyon matapos na umibig ang babaeng opis­yal sa bomb expert na dati nitong isinasailalim sa interogasyon sa pambo­bomba sa Cagayan De Oro City may ilang taon na ang nakakalipas.

“Talagang ikinasal sila sa parang isang Muslim rite kasi nag-Balik Islam (Muslim convert) itong si Supt. Nobleza”, ani Taliño.

Nabatid pa na si Supt.Nobleza ay nagpa-annul  ng kasal noong 2010 kay Sr. Supt. Allan Nobleza, police attache sa Pakistan.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na  sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms, o­bstruction of justice, resis­ting a person in authority si Supt. Nobleza habang ang lover nitong si Dongon ay resisting a person in authority kaugnay ng insidente.

Una nang ibinulgar ni PNP Chief P/Director Ge­neral Ronald “Bato” dela Rosa na ‘sleeping with the enemy’ at nabuwang sa pag-ibig si Supt. Nobleza kay Dongon  na naaresto habang itinatakas ang huli sa kasagsagan ng opensiba upang lipulin ang grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf na nakapasok sa Bohol.

Noong Abril 22 ng gabi   matapos mapatay sa engkuwentro ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf kabilang si Joselito Melloria ay nasakote ang mga ito matapos na tangkaing umiwas sa checkpoint sa  highway  ng Brgy. Bacani  sa bayan ng Clarin.

Si Supt. Nobleza ay sinibak sa puwesto bilang Deputy Regional Chief  ng Davao Police Crime Laboratorty.

vuukle comment

MARIA CRISTINA NOBLEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with