^

Police Metro

Digong gustong ipahiya sa ASEAN

Malou Escudero - Pang-masa
Digong gustong ipahiya sa ASEAN
Nagsagawa ng rali sa harap ng DFA ang grupong Greenpeace Southeast Asia at hiniling sa mga lider na dadalo ng ASEAN Summit na gumawa ng hakbang para masolusyunan ang malaking problema ng polusyon ng plastic sa buong mundo.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Ilang senador ang naniniwala na gustong ipahiya si Pangulong Rod­rigo Duterte ng mga nasa likod ng paghahain ng kaso sa International Criminal Court(ICC) kaya itinaon ito sa gagawing ASEAN summit sa bansa.

Sinabi ni Senator JV Ejercito, kuwestiyonable ang timing sa paghahain ng kaso at maliwanag na layunin nito na si­rain ang kredibilidad ng Pangulo sa international community.

“Timing in filing of case against President Duterte in ICC is obviously meant to embarass the President in the upcoming ASEAN. Still part of a conspiracy to oust the President by des­troying his credibility in the international community,” pahayag ni Ejercito.

Naniniwala naman ang ibang senador na kabilang sa mayorya sa Senado na hindi magtatagumpay ang kaso laban sa Pangulo.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, hindi nakakabahala ang kaso at mahihirapan para magtagumpay ito.

Para naman kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, madidismaya lamang ang mga nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban sa Pangulo sa ICC lalo kung ibinabatay lamang ito sa testimonya nina Edgar Matobato at dating SPO3 Arturo Lascañas na  “polluted at perjured witnesses” at tiyak na basurahan lamang mapupunta ang kaso.

vuukle comment

ROD­RIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with