^

PSN Opinyon

Pagong Ako Pilipinas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INAANYAYAHAN ni VW Jun Vidanes, sa Grand Eyeball and Conferral ang lahat ng Master Masons sa Philippines my Philippines na kasapi sa PAK PILIPINAS at sa mga MM na gustong sumali ay puede na kayo magpalista todits.

Sabi nga, masaya ito!

Ayon kay VW Jun,  ang mga interesado gustong maging miembro ng PAK - PILIPINAS, ay maaaring magpunta sa Bradleys Grill Vista Point, Maharlika West Tagaytay City, sa Abril 27, 2017, at around 9pm. 

‘’Kaya ano pa ang inaantay ninyo. Sali na!’

Sa mga miembro punta na todits.

Abangan.

Sira ulong lulong sa droga

NAKIKIRAMAY ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ng isang batang bebot at gahasain ang ermat nito saka pinagsasaksak ng isang gagong adik dyan sa isang bakanteng lot sa Barangay San Juan, Malolos City, Bulacan, the other day.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa palagay nila ay napagtripan lamang daw ang dalawa kaya ito nagawa ng kamote pero sa ating palagay talagang malaki ang sira ng ulo ng gago dahil ngongo na ito sa pagsinghot ng illegal drugs.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa ospital sa Bulacan ang ermat na sinaksak matapos gahasain sana Lord, gumaling ito at mabigyan ng magandang buhay ng gobierno sa pamamagitan ng iyong ‘blessing.’

Ika nga, amen!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, namamasyal lamang ang mag-ermat at sakay ang anak nitong bebot na 6 years old ng harangin ng ulol at gawan ng kahalayan dahil sa hindi pa siya kuntento at siguro sa takot ng gago pinagsasaksak nito ang ina ng bata at pinatay ang huli.

‘Nalungkot tayo ng mapanood natin sa telebisyon ang pangyayari.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuwang-tuwa sila sa galak ng mabalitaan nilang itinumba si Joey Monteclaros matapos agawin nito ang boga ng kanyang escort na pulis.

Sabi nga, buti nga at dedbol ang ulol!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya si Boss Digong ay galit na galit sa mga druglords, pusher at sira ulong mga adik dahil sa mga ganitong gawain.

‘Kaya ok lang ang order nito kapag lumaban sa pulis ang mga animal upakan.’ sabi ng kuwagong balik rehab.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpapasalamat sila at may CCTV sa lugar na pinangyarihan ng krimen at nakita pa ang Kamote na papasibat sakay ng bicycle ng batang pinatay.

‘Kung mga sira na ang ulo ninyo dahil sa sobrang droga dapat na siguro kayong ikanal.’ sabi ng kuwagong sepulturero.

Abangan.

vuukle comment

GRAND EYEBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with