33 drug suspects nadakip
MANILA, Philippines - Umaabot sa tatlumput-tatlong lalaki na umano ay sangkot sa illegal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na drug operations sa QC, San Juan at Camarines Sur.
Batay sa ulat ng QC police, umaabot sa 9 na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Bagbag, Brgy. Sta Monica at Brgy. San Agustin sa Novaliches, at Brgy.Valencia at Brgy. Martin De Porres sa Cubao.
Dalawang babae at isang lalaki na drug pusher ang nadakip ng mga pulis sa San Juan City kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw na kinilalang sina Wilma Laurel, 58, Madonna Perello, 53 at Ruperto Laseta, 53, pawang taga #22 Tuberias St., Barangay Batis, San Juan City.
Sa Naga City, Camarines Sur ay naaresto ang 12 pinaghihinalaang tulak ng droga sa ikinasang buy bust operation sa tabi ng PNR Railway, Zone 1, Brgy. Triangulo, kamakalawa.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Franco Cerillo; Jaypee Arcilla; John Paul Sava; Robert Renegado; Edward Cabotaje; Marychel Dela Cruz; Felipe Bueza; Erick Dorliac; Ariel Alano; Marlon Castro; Eduardo Santos at Alma Cabotage na nasamsaman ng 12 plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu at assorted drug paraphernalia.
- Latest