^

Police Metro

10-anyos nagbigti dahil sa FB post

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay ang isang 10-anyos na batang lalaki na si Jorge matapos na ito ay magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Bldg. 5 NHA Dagupan Extension, Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong ala-1:20 ng hapon ay kasama ni Jorge ang kanyang ina na si Charie Villahermosa, 36 at tiyahin na si Eve at nagkatuwaan na lagyan nilang make-up ang bata.

Matapos  lagyan ng make-up ay kinunan ng litrato ni Eve sa kanyang cell phone ang pamangking at ipinost sa kanyang FB account.

Hindi umano nagustuhan ng biktima ang ginawa ng tiyahin nang malaman na ipinost ang kanyang la­rawan na naka make-up kaya pumasok ito sa kanyang kuwarto at nagkulong.

Ilang  minuto ang nakalipas ay  sinundan ni Charie ang anak sa kuwarto at tinawag pero hindi ito sumasagot dahilan para puwersahan niyang buksan ang pintuan.

Tumambad kay Charie ang nakaluhod na anak at may nakapulupot na  tela sa leeg nito na nakatali sa hamba.

Agad niyang tinanggal ang nakapulupot na tela sa leeg ng anak at dinala sa Tondo Medical Center, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Malaki ang hinala ng pulisya na sumama ang loob ng anak sa ginawang pag-post ng larawan niyang naka-make up kaya’t nagawa nitong magpakamatay.

Tumanggi na ang ina na sising-sisi sa pangyayari na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng anak.    

vuukle comment

CELL PHONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with