^

PSN Showbiz

Angel at Jessy nagkagulatan sa concert ng Coldplay?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maraming kilalang Filipino celebrities ang big fan ng popular British rock band na Coldplay at isa na riyan si Maine Mendoza na dumayo pa ng Los Angeles, California nung nakaraang August 2016 para lamang mapanood ang kanyang hinahangaang band. Kaya nang mag-perform sa Pilipinas for the first time ang Coldplay last April 4 ay hindi ito pinalagpas ni Maine and this time ay kasama na niya ang kanyang rumored sweetheart at ka-loveteam na si Alden Richards na kinarga pa siya sa kanyang balikat para lamang mapanood nito nang maayos ang band.

Bago ang Manila concert ng Coldplay ay nag-concert din sila sa iba’t ibang bansa na dinayo rin ng ibang mga Pinoy celebrities tulad ni KC Concepcion na dumayo pa ng Australia habang sina Angelica Panganiban, Glaiza de Castro, Rocco Nacino at iba pa ay sa Singapore naman nanood.

Napakaraming showbiz personalities ang dumayo sa MOA Grounds kahit pa napaka-expensive ng concert tickets. Naroon sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ang engaged couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff, ang rumored sweethearts na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao kasama si Inigo Pascual, ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, ang couple na sina Bianca Gonzales at JC Intal, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang beauty queen na si Kylie Verzosa, Jericho Rosales, Erich Gonzales, Kaye Abad, Ria Atayde, Angel Locsin, Ara Mina, Rojun Cruz, and Dianne Medina, Rayver Cruz, Carla Abellana, Yassi Pressman, Bela Padilla, Luis Manzano and Jessy Mendiola (nagkita kaya sila ni Angel Locsin?), ang magka-loveteam na sina Julia Barretto at Joshua Garcia, Dominic Ochoa at marami pang iba.

Gabbi ka-level na ni Selena Gomez

Kapag frequent televiewer ka, mapapansin na majority ng Kapamilya stars ang nagdu-dominate sa iba’t ibang product endorsements although meron din naman mangilan-ngilan na nagmumula naman sa Kapuso network tulad sa magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, AiAi delas Alas at maging si Marian Rivera.  Nariyan din ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania although bihira ang kanilang exposure. Si Kris Aquino ay hindi pa naman maituturing na Kapuso star.

Ang pinakabagong Kapuso talent na nakuha ng isang kilalang brand ng shampoo ay ang Kapuso young star na si Gabbi Garcia. Ang commercial ng kanyang TVC (TV commercial) ay sa Australia pa kinunan at ipalalabas umano ito hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya habang counterpart naman niya ang international singer-actress na si Selena Gomez.

Deeply honored ang Kapuso young star sa napakalaking opportunity na dumating sa kanya. Sa dinami-rami nga naman ng mga sikat na talents, siya ang siningle out bilang pinakabagong ambassador ng isang brand ng kilalang shampoo  na madalas ngayong napapanood sa telebisyon.

Habang nakabitin ang isa pa, Alonzo may gagawin ulit na pelikula

Magtatapos na ngayong Linggo, April 9 ang Your Face Sounds Fami­liar Kids sa isang grand showdown ng walong batang kalahok na magaganap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Pagkatapos ng YFSFK, may pelikulang sisimulan ang child star na si Alonzo Muhlach, ang Pambansang Third Wheel na pagsasamahan nila nina Sam Milby at Yassi Pressman na ila-line produce for Viva Films ng IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan. Ito bale ang magi­ging first movie ni Alonzo for 2017 although hindi pa naipapalabas hanggang ngayon ang pelikulang Kamandag ng Droga na dinirek ni Carlo J. Caparas noong isang taon. Na-hold ang showing nito dahil sa maagang pagpanaw ng lady producer na si Donna Villa at wala pa umanong schedule ng release ito.

Alonzo looks forward to doing another TV series laluna ngayong bakas­yon pa sa school.

 

vuukle comment

COLDPLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with