^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Totoo na kaya angusapan sa kapayapaan?

Pilipino Star Ngayon

NAGPIRMAHAN na noong Miyerkules sa Ne­therlands ang gobyerno at komunistang grupo isang kasunduan para sa interim ceasefire. Ito ang ikalawang paghaharap ng mga negotiator­ sa mag­kabilang panig. Ang unang paghaharap ay naganap noong nakaraang Disyembre 2016. Muntik nang hindi matuloy ang paghaharap ng mag­kabilang panig makaraang bawiin ni Pres. Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa CPP-NDF noong Pebrero makaraan ang sunud-sunod na pananambang ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo. Pinababalik na ni Duterte sa barracks ang mga sundalo at pinalilinis na ang mga baril para makipagsagupa sa NPA.

Mabunga umano ang pag-uusap ng peace nego­tiators at inaasahang magtutuluy-tuloy na maka­raang lagdaan ang kasunduan. Nakikita na umano ang magandang kinabukasan at matatapos na ang 48-taon ng madugong labanan ng mga NPA at sundalo. Marami nang namatay sa labanan.

Ayon sa kasunduan, ang tigil-putukan ay magkakabisa kapag ang guidelines at ground rules ay naaprubahan. Ayon sa magkabilang panig, mas stable ang kasunduang ito kaysa mga unang na­pag-usapan ukol sa ceasefire. Inaasahang ma­ipa­tutupad ang ceasefire kapag nalagdaan ang Comprehensive Agreement on the Social and Eco­nomic Reforms (CASER). Inaasahang magkakaroon na ng ceasefire bago matapos ang 2017.

Pumirma para sa panig ng gobyerno si chief negotiator Silvestre Bello III at NDFP panel chairman Fidel Agcaoili. Saksi sa paglagda sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.

Sana nga totoo na ito. Hindi sana katulad sa naka­raan na para bang hindi kasama sa usapan ang NPA sapagkat walang patumangga kung ambusin nila ang mga sundalo sa kabila na may tigil-putukan. Wala ring tigil kung manunog ng mga bus at patuloy ang pagkolekta ng revolutionary tax.

Matagal nang minimithi ang kapayapaan sa bansang ito. Sana nga ay totoo na ang pag-uusap at makamtan na ang lubos na kapayapaan.

vuukle comment

CEASEFIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with