^

PSN Opinyon

Malinaw na interesado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TILA nabuhay ang interes ng lahat sa Benham Rise nang madiskubre na may barko ng China na nanatili pala roon ng tatlong buwan. Malinaw na hindi pinaalam sa gobyerno ang China na magpapadala sila ng barko sa Benham, kahit sabihin pa ni Pres. Rodrigo Duterte na may kasunduan daw. Walang alam na kasunduan ang DFA at DND. Pati ang Palasyo ay hindi mapaliwanag nang maayos ang “kasunduang” iyan. Ayon pa sa DFA, ilang beses nang humingi ng pahintulot ang China na siyasatin ang Benham Rise mula 2015, pero itinanggi ng DFA dahil may mga hindi sinundang pamantayan ang China, tulad ng pagkakaroon ng Pilipinong dalubhasa o eksperto na bahagi sa pagsisiyasat. Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na pahintulot ang DFA sa China.

Itatanong mo talaga kung bakit nagtungo pa rin sa Benham Rise ang barko. Baka naging matapang na lang dahil alam na may kaalyado na sila sa Palasyo. Hindi pa alam ng gobyerno kung ano ang ginawa ng barko sa Benham Rise para tumagal ng tatlong buwan. Hindi tayo nakasi­siguro na hindi pa nila nasiyasat nang husto ang lugar para sa likas na kayamanan, na malinaw na paglabag sa sa “sovereign rights” ng Pilipinas. Pero tulad nga ng sabi ni Duterte, anong magagawa niya?

Ganun pa man, nasa Benham Rise na ang BRP Ramon Alcaraz. Dinalaw na nga sila ng isang UAV o drone, na hindi pa nila masabi kung saang bansa nagmula. Humihiling din ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mas malapit na pantalan, kung magiging mas madalas na ang pag-patrol sa nasabing lugar. Sa ngayon ay inaabot ng isang araw ang anumang barko ng PCG na makarating sa Benham Rise mula Cagayan, ang pinakamalapit na pantalan. Kung aabot ng isang araw bago makarating ang ating PCG sa Benham, baka matagal nang nakaalis ang anumang barko na madiskubreng walang pahintulot maglayag sa lugar.

Dumating na rin ang unang dalawang TC-90 na eroplano na pinauupahan ng Japan sa Pilipinas. Pinaupahan nila ang mga eroplano para magamit sa pagbantay ng ating teritoryo, partikular ang exclusive economic zone. Alam ng Japan, na may sariling isyu sa China pagdating sa teritoryo, ang kahalagahan ng pagbantay ng teritoryo. May tatlo pang eroplanong parating sa susunod na taon. Sana nga ay magamit nang maayos ang mga eroplanong ito. Nakapagtataka naman ang malinaw na interes ng China sa Benham Rise. Tila kulang pa ang pag-aangkin sa buong South China Sea, pati ang karagatan sa kabilang bahagi ng bansa ay pinag-iinteresan na rin.

vuukle comment

BENHAM RISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with