^

Bansa

Presyo ng LPG tinapyasan ngayong araw

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagpatupad ng bawas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw na ito ng Sabado (Abril 1).

Isang magandang balita para sa mga gumagamit ng cooking gas, dahil pinangunahan  ng Petron Corporation ang pagbawas sa presyo ng Gasul at Fiesta Gas ng P5.00 kada kilo na katumbas ng P55.00 bawas presyo sa kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo ng  alas-12:01 ng madaling araw.

Bukod pa sa cooking gas tinapyasan din ng Petron Corporation ang kanilang  Xtend Auto LPG ng P2.80 kada litro.

Asahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo sa cooking gas.

Ayon kay Raffy Ledesma ng Petron Corporation, ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with