PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panawagan ni AGMA - MCI Alumni Pres. Atty. Biyong Garing

Ibinuyangyang ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA - MCI Alumni Association Inc., o Agustin Gutierrez Memorial Academy, formerly Mindoro Central Institute, na may Grand Alumni Homecoming sila sa April 15, 2017, Black Saturday,  AGMA-MCI Alumni Multi-Purpose Gym,  Naujan, Oriental Mindoro. 

Ibinida ni Atty. Biyong Garing, ang bonggang  selebrasyon ay magsisimula ng 7am hanggang magsawa este mali hanggang gabi pala ng Abril 15.

Bukod sa ‘ballroom dancing’ may parada sa umaga mga taga - AGMA-MCI Alumni Association, Inc., pagkatapos ng parada tsibugan umaatikabo sa tanghalian with matching pa raffle, pagkatapos nito ay may pa Bingo at may malalaking pa premyo habang nagbubulahan ay may pa raffle ulit at sa gabi ay sayawan blues na.

Sabi ni Atty. Biyong, bumili o umarkila ng pang ‘John Travolta’ na kasuotan para sa ‘ball room dancing. Hehehe!

‘Ano pa ang inaantay ninyo mga AGMA - MCI Alumni, gumayak na kayo sa ating celebration day.’

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

E-passport contract, sinisilip​

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong mga nakaraan dekada ang salaping kinikita ng mga kurap officials sa government of the Philippines my Philippnes ay galing sa mga bidding-bidingan na pinapasok ng mga chosen private companies tulad ng mga gumagawa ng gamot at libro kaya naman putok ito noong panahon pa ni Kulafu.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon ang pinagtsi-tsismisan ng madlang public ay ang isyu regarding sa e-Passport contract kasi nga pinasok din ito ng mga private contractors sa mga GOCC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Asian Productivity Organization Production Unit Inc., o APO PU, ay isa sa mga naging GOCC noong panahon ni P. Noy pinirmahan ito June 6, 2011.

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinaguusapan natin ang binusalan este mali binasbasan pala para mag-imprenta ng electronic passport. Ito ay exclusively given by the DFA para sila ang maker nito.

Ayon sa tsismis ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang alaws umano silang kakayahan gawin ang kanilang work?

Bakit?

Sagot - ipinasa diumano ng APO PU ang paggawa ng passport sa isang UGEC, isang foreign firm para sila ang tumira nito.

Ika nga, may joint venture ang dalawang ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins biro ang naging usapan dito porke mahigit sa P25 billion contract ang kabuuan at may diumano’y kasunduan na 10 - 90 scheme todits?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na­ngamoy ang kontrata diumano hanggang sa tungke ng ilong ng COA kaya pinahihimay nila ang libro ng APO-PU.

Naku ha!

‘Lagot kayo.’ sabi ng kuwagong binukulan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bubusisiin ng COA ang diumano’y kaduda-dudang procurement at kontrata na pinasok ng APO-PU?

Ika nga, alaws bidding pa umano?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may grupong nagsaing este mali naghain pala diumano’y kasong pandarambong laban kay dating Presidential spokesman Herminio Coloma, na supervisor umano sa APO-PU?

Abangan.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: