PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Sa mga VIP, gustong maging VIP at feeling VIP’

MAY mga tao sa lipunan pakiramdam nila sila ay entitled­. 

Palibhasa lapit sa nakaupong administrasyon o kung sinumang malalaking tao at personalidad feeling nila may “K” na silang mag-asam at magmayabang. 

Ang titibay ng sikmura at lamanloob. Talagang ipina­ngangalandakan pa sa mga maliliit na tao ang kanilang pagiging sipsip o higop. 

Dahil espesyal daw sila, nagde-demand ng galang at respeto. Pero sila hindi naman karespe-respeto at kagalang-galang. 

Tulad nitong isang kulangot na si Sandra Cam. Umatungal sa NAIA kamakailan. Gusto niya mabigyan ng VIP treatment dahil siya raw ay high-risk individual. 

Hindi yata naiintindihan ng talpulanang talunan sa pagka-senadora, ang respeto ay kinakamtan hindi ipinagkakaloob. Hindi ito namamana o transferable. Ang respeto ay progresibo. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Wala namang masama sa pagiging VIP at humihiling ng VIP treatment sa lansangan man o sa anumang mga tanggapan ng gobyerno o pribado. 

Kung nakikita ng tao ang inyong identidad base sa inyong mga pinaggagawa at saysay sa lipunan, sila pa mismo ang lalapit sa inyo at mag-aalok ng mga prebilehiyo at serbisyo. 

Kung ikaw ay malaking tao na, hindi na kailangang magmayabang pa, mag-name drop ng kung sinu-sino at mambastos ng mga maliliit na tao. 

Simple lang, gusto mo ng respeto, respetuhin mo rin ang ibang tao. 

You hear me, Sandra Cam? 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang palabas, mag-subscribe sa BITAG Official YouTube account.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: