^

PM Sports

Warriors bumawi sa grizzlies

Pang-masa

OAKLAND, Calif. -- Umiskor si Klay Thompson ng 21 sa kanyang 31 points sa second half para akayin ang Golden State Warriors sa 106-94 panalo kontra sa Memphis Grizzlies.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Warriors.

Nagdagdag si Stephen Curry ng 21 points at 11 assists samantalang tumapos na may 20 markers si Andre Iguodala para sa Golden State (59-14).

Dalawang beses nang tinalo ng Grizzlies ang Warriors ngayong season at pinuntiryang maging unang koponan na tu-malo sa Golden State ng tatlong sunod sa regular-season matapos ang four-game sweep ng Spurs sa Warriors noong 2013-14.

Naglista naman si Mike Conley ng 29 points para sa Memphis, naglaro nang wala si center Marc Gasol (left foot strain).

Sa Houston, kumonekta si Lou Williams ng 31 points at nagposte si James Harden ng 22 points at 12 assists para tulungan ang Rockets sa 137-125 panalo sa Oklahoma.

Naglista si Oklahoma City star Russell Westbrook ng 39 points, 11 rebounds at 13 assists para sa kanyang ikalawang sunod na triple-double at pang-36 ngayong season.

Subalit si Harden ang nagdala sa Houston sa pagtatala ng 25-point lead sa pagtutuos ng dalawang top MVP candidates.

Nag-ambag naman sina Trevor Ariza at Eric Gordon ng tig-24 points para sa Rockets.

Sa Los Angeles, naipasok ni Willie Cauley-Stein ang isang follow-up shot sa huling dalawang segundo ng laro para ibigay sa Sacramento Kings ang 98-97 panalo laban sa Clippers.

Mula sa 67-85 pagkakaiwan sa pagbungad ng fourth period ay sinamantala ng Kings ang pagpa-pahinga kina Blake Griffin, Chris Paul at DeAndre Jordan para makadikit sa 93-96 sa huling 2:10 minuto.

Tumipa si Griffin ng isang free throw para sa 97-93 abante ng Clippers kasunod ang triple ni Langston Galloway para ilapit ang Kings sa 96-97 sa natitirang 1:23 minuto.

vuukle comment

WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with