^

Pang Movies

AiAi nag-ala Pia Wurtzbach

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Miss Universe ang peg ni AiAi delas Alas nang magsama sila sa picture ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang beauty pageant sa San Fernando, La Union last Thursday.

Eh, royal blue pa ang suot na gown ni AiAi sa event kaya naman nagpakuha siya ng pic na kinoronahan ni Miss P, huh!

“We are confidently beautiful with a heart – with Miss Universe Pia Wurtz­bach beautiful in and out. Tks Ms Pia for this picture labyu.”

Ang mga kaibigang Joy Ortega at Pops Fernandez ang nag-invite kay AiAi. Kahapon naman, pumirma ng kontrrata ang Comedy Queen para sa bagong indie movie na gagawin. Sa May naman, showing na ang Regal movie niyang Our Mighty Yaya para sa Mother’s Day.

Sylvia Sanchez aligaga sa burol at lilibingan ni Tita Angge

Nagpahinga na rin si Tita Angge ng showbiz matapos ang isang taong coma.

Nalungkot ang showbiz dahil isa rin sa mahal nila ni Angge. Mula sa pagiging fan, nagsikap si Tita Angge, nakagawa ng pangalan sa showbiz at nakapag-ipon.

Ilan sa artistang mahal na mahal ni Tita A ay sina Edgar Mortiz at Susan Roces. Pero wala yatang artistang hindi siya minamahal.

Nagpaabot ng pakikiramay si Sharon Cuneta nang malaman niya ang malungkot na balita. Nanay A ang tawag niya kay Tita Angge. Nasa abroad si Shawie kasama ang asawang si Sen. Kiko Pangi­linan.

Isa si Sylvia Sanchez na talent niya at kaibigan sa mga nag-aasikaso sa burol at libing ni Tita A.

Paalam, Tita Angge…

Maine may pa-breakfast sa mga kabataan

Tututok ang buong AlDub Nation ngayong tanghali dahil 22nd birthday celebration ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

Kahapon, Marso 3, ang actual birthday ni Meng. Nasa Bulaga naman sila ni Alden (Richards) pero simpleng blowing of cake ang naganap sa Sugod Bahay segment ng noontime show.

Hindi nga lang nakadalo si Alden sa salubong dinner ng pamilya nina Meng at Alden. Nasa La Union si Alden para sa isang commitment.

Bilang handog na pasasalamat, inihayag ni Maine ang kanyang Maine’s Nutrition program upang handugan ng breakfast ang mga kabataan bago pumasok sa school.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with