^

Police Metro

Comelec chairman pinare-resign sa puwesto

Doris Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasunod nang nanakaw na computer na naglalaman ng voter’s data sa Lanao Del Sur ay hiniling ng election watchdog na Kontra Daya na dapat magbitiw na sa puwesto si Commission on Elections  (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ayon sa Kontra Daya, dapat lamang na magbitiw na si Bautista dahil sa kabiguan niya na protektahan ang voters’ data.

Una nang inamin ng Comelec na inabot ng dalawang linggo bago sila nakapagsumite ng ulat sa National Privacy Commission kaugnay ng nangyaring nakawan sa Lanao del Sur.

Hindi naman na nagtataka ang Kontra Daya sa naantalang pag-uulat ng Comelec dahil kagaya umano ng nangyari sa data breach nuong 2016 na binansagang ‘Comeleak’, pagkalipas pa ng 15 araw kinumpirma ng Comelec ang insidente matapos na iulat ito ng TrendMicro na isang information techno­logy security company.

Ang nasabing insidente ayon sa Kontra Daya ay patunay ng pagiging incompetent ni Bautista.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with