^

PSN Opinyon

‘Pasabog ng mga talunan’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TRYING hard ngayon ang mga dilaw. Hindi talaga titigil hangga’t hindi nila matagumpay na naisasa­gawa ang kanilang working “template” o formula­, ang pabagsakin si Duterte at ang kanyang administrasyon.    

Sa anumang mga pamamaraan talagang gagawin nila ang lahat magkaroon lang ng kalituhan, kagu­luhan at kawalang-katiyakan. Ang tawag ko dito “WEIT”. They will do “whatever it takes”.

Andaming naglalabasang isyu. Pasabog dito, pa­sabog doon. Hindi pa tapos magpa-press con ang isa, laman na ng mga breaking news ang isa pa. Diversionary tactics kung tawagin.  

Sadyang nililinis nila ang isyu. Sinasabayan para lang panlito sa tao. Pilit nilang ibinabalandra ang mga bumubula nilang bibig at mga namamaga na nilang mukha sa harap ng mikropono at kamera.      

Sa kagustuhan ni De Lima at ni Trillanes na ma-impeach ang Presidente, nagpapakalat at minamanipula ang mga peke at gawa-gawa nilang mga istorya.  

Nagpakawala pa ng isang pulis na antibay din ng sikmurang banggitin ang pangalan ng Diyos sa kanyang mga katarantaduhan at kasinungalingan. Loko­hin n’yo ang lelong n’yong panot!

Ang ilang mga kabaro ko naman sa media kuyog-kuyog na rin. Ang kasinungalingan ginagawang totoo, ang totoo ginagawang kasinungalingan depende sa kulay at kalansing ng salapi. Sabagay, totoo man o hindi ang isyu, balita pa rin.    

Mali nila ang mga tao hindi bobo. Marunong mag-analisa, umamoy, tumingin ng kulay at alam ang lasa ng totoo at lehitimong balita.       

Hanggat may isang putakera at isang asong ulol diyan sa Senado buhay na buhay ang dugo ng mga talunan este ng mga dilawan.   

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

WEIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with