^

Bansa

Drug list ibibigay na sa PNP Regional Directors - DILG??

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Binigyan na ng “go signal” ni Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ D. Sueno para ibigay sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) regional directors ang listahan ng mga sangkot sa droga.

Sa ginawang pulong ng mga lider ng Regional Peace and Order Council (RPOC), hinikayat ni Sueno ang mga partisipante, na kinabibilangan ng local government heads at PNP regional directors, na manatili sa pagresolba sa laban sa iligal na droga at kumpirmahin na ang listahan ay maibigay sa regional directors para maipakalat sa mga local chief execs kapag humiling nito.?“Ang kontrobersyal na listahan na naglalaman ng mga pangalan ng mga local government executives, officials at civilians, na sangkot sa iligal na droga ay ibibigay sa PNP Regional Directors na vice chairpersons din ng RPOC,” ani Sueno.?Sa pakikipag-usap kamakailan ni Pangulong Duterte sa mga local executives, nangako ang Pangulo na bibigyan sila ng sari-sariling kop­ya upang magkaroon sila ng malinaw na pagtanaw kung paano ang posibleng aksyon na kanilang gagawin.?Iginiit pa ni Sueno, na ang mga lokal na opisyal na humihiling ng isang kop­ya ng listahan sa PNP regional directors ay maaaring bigyan lamang ng pangalan ng tao na bumagsak sa ilalim ng kanilang nasasakupang lugar.

“Kapag ang isang Mayor ang humiling ng isang kopya ng listahan, makukuha lamang nila ang pangalan ng umano’y illegal drug personalities na nasa ilalim ng kanilang bayan o siyudad. Hindi naman siya pagkakalooban ng full access sa mga pangalan ng mga taong nasa labas ng kanilang otoridad upang mapanatili ang confidentiality ng listahan,” sabi pa ng kalihim.?Dagdag pa nito, ang aksyon para sa pagbibigay ng listahan sa PNP regional directors ay upang matiyak na kung may magiging leaks, agad na aalamin ng Department ang pinagmulan dahil limitado lamang ito sa mga antas ng regional directors at maaaring ibigay sa local execs kapag may pormal na hiling.

Malinaw din sa pagpupulong na ang listahan ay iko-consider bilang ‘watch list’ dahil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at  intelligence work.

vuukle comment

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY ISMAEL ‘MIKE’ D. SUENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with