^

Probinsiya

Tulak-droga uli, napatay

KUNSABAGAY - Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tulak-droga uli, napatay
Sinusuri ng mga tauhan ni P/Supt. Froilan Uy ang nakabulagtang drug suspek na sinasabing kumasa sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng gusaling itinatayo sa Brgy. Virgen Delos Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan.
Kuha ni Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Napaslang ang sinasabing notoryus na drug suspek na nasa drug watchlist matapos itong lumaban sa pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa loob ng gusaling itinatayo sa Barangay Virgen Delos Flores sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala lamang sa alyas Tabuboy ang napatay at nakatira sa Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan. Base sa ulat ni P/Supt. Froilan Uy, nakatunog ang suspek sa nagpanggap na poseur-buyer ay isang pulis kaya ito kumasa subalit hindi pumutok ang gamit na baril. Gayunman, inunahan na siya ng mga pulis at napatay sa loob mismo ng gusaling itinayo na ginawang drug den. Narekober ang cal.38 revolver, mga bala, 4 plastic  sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at ang P500 cash na marked money. Nang suyurin ang buong gusali ay natagpuan ang nagkalat na mga alluminum foil at plastic sachet na ginamit sa pot session.

vuukle comment

NAPASLANG ANG SINASABING NOTORYUS NA DRUG SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with