^

PSN Opinyon

Iwasang gumamit ng paputok

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ITONG paparating na bagong taon, bakit hindi pa tuluyang ipagbawal ang pagbebenta ng paputok?  Noong nakaraang buwan lang, dalawang beses nagkaroon ng aksidente sa Bocaue, Bulacan sanhi ng paputok. Na-ging pabaya ang mga may-ari ng pagawaan kaya may nangyaring pagsabog.  Ang hindi maintindihan, sa kabila ng insidenteng nangyari, bakit pinapayagan pa silang gumawa at magtinda ng paputok.  Sa palagay ko, kulang pa sa kaalaman ang mga manggagawa ng paputok kaya may nangyaring ganitong aksidente.

Ngayon kahit maintindihan natin ang mga reklamo ng mga nagtitinda ng paputok na  kesyo dito raw sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay sa paggawa at pagbebenta ng paputok.  Tuwing bagong taon hindi nawawalan ng mga hospital ng pasyenteng naputukan, mapa-bata man o  matanda, nawawasak ang kamay dahil sumabog ang hawak nilang paputok at may natatanggalan ng daliri.  Hindi naman nagkulang ang Department of Health (DOH) sa pag-aanunsiyo sa mga telebisyon at mga pahayagan.  Ang tanong ko, kailangan pa ba natin ang mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon?

Nung aking kabataan, maraming nagpapaputok sa mga daan.  Hindi ko na makita ang daan dahil sa itim na usok. Usong-uso ang paputok noon kasi medyo mura pa. Habang lumilipas ang panahon, pabawas na nang pabawas ang mga nagpapaputok. Ang aking nakakatandang kapatid ay merong mapait na karanasan sa paputok.  Sumabog sa bulsa niya ang paputok, malalim na peklat sa hita ang dala-dala nya hanggang siya’y lumaki.  Kaya tayong mga magulang, bantayang mabuti ang ating mga anak.

Mabuti pa, gumamit na lang ng lusis, torotot o kaya, busina ng mga sasakyan.  Sa tingin ko, ito ang pinakamagan-da at ligtas na paraan para salubungin ang bagong taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with