^

PSN Opinyon

Hilam na ang mga hangganan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAG-AANIM na buwan nang nakaupong Presidente si Rodrigo Duterte. Noong kampanya, nangako siya na masusugpo ang problema ng ilegal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Pero sa ngayon, walang indikasyon na masusugpo ang problema sa tinakdang taning. Sa totoo nga, alam din ng administrasyon iyan, kaya inunahan na ang taongbayan na hindi nga masusugpo ang problema sa katapusan ng Disyembre. Ano naman ang nagawa sa loob ng panahong ito?

Ilang libo na ang napapatay sa “digmaang” ito. Sari-sari ang bilang, may 4,000, may 5,000, may higit pa diyan. Ang malinaw, madugo ang kampanya ni Duterte kontra droga. Pero bukod sa pagiging madugo, bukod sa tila matagumpay na kampanya kung bilang ng mga napapatay ang batayan, nagiging malinaw na hindi basta-basta malulutas ang problemang ito.

Ang nangyari rin ay tumanggap ng batikos ang administrasyon mula sa ibang bansa hinggil sa madugong kampanya, partikular ang “extrajudicial killings”. Dahil hindi maganda tumanggap ng batikos at pagpuna si Duterte, nalayo tayo sa mga karaniwang kaalyadong bansa tulad ng US, European Union at United Nations.

Isusulong na ang pagbalik ng “death penalty” bilang parusa sa ilang krimen, kasama ang iligal na droga. Ayon sa isang mambabatas, mas maganda na ito kumpara sa EJK. Pero matagal pa bago maging batas muli ito. Kailangan pang pumasa sa Senado. Hindi rin ako naniniwala na mababawasan ang mga EJK kung may “death penalty” na. Ilang beses nang narinig, mula sa PNP chief mismo, na masyadong mabagal ang pag-ikot ng hustisya. Na kung walang CCTV na nakabantay, siya mismo ang papatay sa mga drug lord.

Hindi ba ganun na nga ang nangyayari? Kakasuhan ng NBI ang grupo ni Supt. Marvin Marcos ng CIDG-8, kasama ang kanyang mga tauhan na nagtungo sa selda ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Walang CCTV na nakabantay. Planado raw ang pagpatay kay Espinosa, ayon sa NBI. Pero sa lakas ng padrino ni Marcos at kanyang mga tauhan, mukhang hindi sila makakatikim ng kahit isang araw sa loob ng selda. Kahit isinasangkot na si Marcos ng pangunahing testigo ng gobyerno ngayon hinggil sa ilegal na droga, hindi pareho ang pagtrato sa kanila, kasi pulis. Hindi kaya hilam na ang mga hangganan ng pagpapatupad ng batas, sa paglabag nito?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with