^

PSN Opinyon

Ano pang silbi?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG nasagot kaagad ang tanong ko. Tinanong ko kung ano naman kaya ang magiging kilos ni Pres. Rodrigo Duterte sa pagsampa ng NBI ng kaso laban kay Supt. Marcos at kanyang mga tauhan na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Espinosa Sr., na isa umanong “shootout”. Batay sa imbestigasyon ng NBI, “rubout” ang naganap, kung saan walang kalaban-laban si Espinosa sa loob ng kanyang selda. Patung-patong na kaso ang isinampa kay Marcos at mga tauhan sa CIDG-8.

Pero inamin ni Duterte na siya mismo ang nag-utos kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na ibalik si Marcos sa tungkulin, matapos suspindihin ng PNP chief. Lahat iyan naganap sa isang araw lamang. Tinanong ko kung gaano kalakas si Marcos sa Presidente. Ngayon, ipinakita muli kung gaano nga kalakas. 

Ayon kay Duterte, hindi raw makukulong si Marcos at ang kanyang mga tauhan. Sampahan na ng kaso ng NBI at lahat, sabihin na nila na “murder”, hindi pa rin daw sila makukulong. Pero hindi raw siya makikialam sa kaso, pero hindi nga sila makukulong. Nasa ilalim naman daw ang NBI sa kanya. Anong ibig sabihin niyan? Idaan sa proseso, pero sa kinalaunan ay hindi makukulong? Siyempre susunod sa utos si Dela Rosa.

Sa ganyang pahayag, ano pa pala ang silbi ng NBI, kung hindi rin bibigyan ng timbang ang resulta ng kanilang imbestigasyon? Paano sila kikilos kung hindi rin naman pala mapaparusahan? Kung sasabihin ni Duterte na nasa ilalim naman niya ang NBI, para na ring sinabi na nahusgahan na ang kaso at absuwelto na sila. Ano na ang nangyayari sa sistema ng gobyerno ngayon? Kapag ayaw ng Presidente ang nagaganap sa isang ahensiya, kahit tama naman ang proseso, siya pa rin ang mamumuno, siya pa rin ang masusunod, dahil nasa ilalim naman niya ang lahat? Kung ganun, ano pa ba ang silbi ng mga korte, na kung ang mga pulis ang nakakasuhan ay hindi rin sila makukulong? Ano pa ang magagawa ng mga ahensiya ng gobyerno kung nagsasalita na ang Presidente ng ganito? Inabsuwelto ng Korte Suprema ang tatlong huwes na nasa “narco-list” ng gobyerno, dahil walang maipakitang ebidensiya sa ngayon ang gobyerno. Sasabihin ba ni Duterte na siya pa rin ang masusunod, dahil nasa listahan niya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with